PAGASA: BAGYONG GENER HINDI TATAMA SA LUPA

NILINAW ng state weather agency na hindi magkakaroon ng anomang malaking epekto sa kasalukuyang weather system ng bansa ang bagong bagyo.

“This weather disturbance is likely to weaken into a Low-Pressure Area within 12 to 24 hours. Gener is unlikely to bring high impact weather over any part of the country,” sinabi ng PAGASA.

Dagdag pa nito, inaasahang tatahakin ng bagyo ang direksyon na west-southwest papunta sa hilagang bahagi ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang bagyong Gener sa layong 870 kilometers east-northeast ng Basco, Batanes na may hangin na aabot sa 45 km per hour at pagbugso na papalo sa 55 kph. May bilis ito na 20 kph. CATHERINE CUETO

266

Related posts

Leave a Comment