PAGBABA NG HEIGHT REQUIREMENT SA MGA PULIS AT BUMBERO, APRUB NA SA SENADO

LUSOT na sa Senado ang panukala para ibaba ang height requirement sa mga nagnanais maging uniformed personnel.

Sa botong 23-0, inaprubahan na sa 3rd and final reading ang Senate Bill No. 1563 o ang proposed Height Equality Act, na inakda ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Saklaw nito ang mga aplikante para sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Corrections (BuCor).

Sa panukala, ang mga lalaking aplikante ay dapat makatugon sa minimum height requirement na 1.57 meters (5’2”) habang ang mga babaeng aplikante ay dapat may taas na 1.52 meters (5’0”).

Sa kasalukuyang batas, ang minimum height ay 1.62 meters (5’3”) para sa lalaki at 1.57 meters (5’2”) sa babaeng aplikante.

Nakasaad din sa panukala na ang aplikanteng mula sa cultural communities at indigenous peoples ay hindi na kailangang tumugon sa height requirement.

Layun ng panukala na dumami ang aplikante sa apat na ahensya ng gobyerno. “With the passage today of Senate Bill 1563… we give more in law to those who have less in height. Sa

araw na ito, pinatunayan natin na tayong mga senador ay inihalal upang ipagtanggol ang maliliit—literally and figuratively,” saad ni Dela Rosa sa kanyang speech. (DANG SAMSON-GARCIA)

348

Related posts

Leave a Comment