PAGBABAKUNA SA GENERAL PUBLIC IKAKASA SA OKTUBRE

INANUNSYO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na target niyang masimulan ang pagbabakuna sa general public laban sa COVID-19 sa Oktubre ng taong kasalukuyan.
Prayoridad dito ang mahihirap.

“I’d like the people to know that we are studying the possibility of vaccinating the general population this October, kung meron nang stable vaccine supply,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People nitong Martes.

“Dapat nang unahin yung walang-wala sa mga far-flung area, unahin muna yung mga mahihirap,” dagdag na pahayag nito.

Base sa pinakahuling government data, may 17 milyong Filipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 “as of September 13.”

Ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccine doses na naibakuna ay umabot na sa 39.1 milyon, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

May kabuuang 395,704 vaccine doses naman ang naiturok nito lamang Lunes.

Ani Sec. Roque, may 6 milyong residente ng Kalakhang Maynila ang fully vaccinated na o 61% ng target population sa rehiyon.

Samantala, nagsimula ang COVID-19 vaccination ng pamahalaan noong Marso kung saan mayroong 76.3 milyong katao ang kailangan maging fully vaccinated upang makamit ang herd immunity bago matapos ang taon. (CHRISTIAN DALE)

170

Related posts

Leave a Comment