PAGBABAKUNA SA MEDIA WORKERS KASADO SA HUNYO

SA darating na Hunyo nakatakda ang pagbabakuna sa mga nasa A4 category kasama ang media upang maprotektahan sila sa COVID-19.

“Well, ang A4 po inaasahan natin as soon as vaccines are available, mga Hunyo magsisimula na tayo,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sa kasalukuyan ay nasa hanay pa ng mga senior citizen at mga may commorbidities ang nakasalang sa vaccination program ng gobyerno kung saan pasok sana si Sec. Roque.

Subalit sinabi ng kalihim na hindi muna siya magpapabakuna dahil susulitin niya ang anti-bodies na mayroon siya.

Masasayang lang, ani Roque ang bakuna habang mayroon pa siyang antibodies kaya’t hihintayin niya ang kaunting panahon bago sumalang sa bakuna.

“Ako po, kakagaling ko lang sa COVID ‘no so marami pa po akong antibodies ngayon ‘no. Pero magpapasukat po ako ng antibodies at ang sabi naman nila mga 90 days po nitong antibodies natin. So habang marami pa akong antibodies, masasayang lang iyong aking bakuna ‘no, so antayin ko muna po siguro ang kaunting panahon,” lahad nito. (CHRISTIAN DALE)

244

Related posts

Leave a Comment