PAGBASURA NG FACE SHIELD SA MAYNILA, OK SA DILG

SANG-AYON si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa desisyon ni Manila City Mayor Isko Moreno, na tanggalin na ang polisiya hinggil sa mandatory use ng face shields sa lungsod, maliban na lamang kung ito ay sa medical at hospital facilities.

“Maluwag naman tayo dyan (paggamit ng face shield), remember when we are very strict on face shield it was the time that we don’t have (COVID-19) vaccines and we have a lot of cases and we don’t have enough healthcare facilities,” ayon kay Año.

Matatandaan na pinirmahan  ni Moreno ang Executive Order No. 42 na nagdedeklara na hindi na mandatory ang paggamit ng face shield sa lungsod, maliban na lamang kung ito’y sa hospital settings, medical clinics, at iba pang medical facilities.

Ipinaliwanag naman ng DILG chief na bahala ang Metro Manila mayors kung gusto na nilang pangunahan ang awtoridad ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 (IATF).

“Hindi katulad ng dati na wala pa tayong bakuna at talagang ang taas-taas ng cases natin e talagang istrikto tayo dyan,” aniya pa.

“If they impose specific policies in terms of face shield, they will be responsible for that kung ano man mangyari but for me as DILG I won’t take it against them, basta reasonable lang yung gawin nilang policy at nagka-catch up din naman yung IATF guidelines later on, alam mo may mga isyu na kailangan mong ipagpatayan, ipaglaban para sigurado but may mga issues na kailangan ka nang mag-adjust because we are living with the virus,” paliwanag pa nito.

Sinabi rin ni Año na ang Metro Manila ay low risk na sa COVID-19 ngunit iginiit pa rin ng kalihim na dapat umanong gamitin ang face shield sa high-risk areas gaya ng mga pagamutan, daycare centers at vaccination sites. (LILY REYES)

566

Related posts

Leave a Comment