PAGBIBITIW NI DUQUE MULING HINIRIT

MULING pinagbibitiw ni Senador Panfilo Lacson si Health Secretary Francisco Duque sa kapalpakan nito sa pangangalap ng data ng pasyente na natuklasan ng UP Resilience Institute na mali o may data error.

Kasabay nito, kinastigo ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang kapalpakan ni Duque dahil nalagay sa panganib ang maraming buhay sanhi ng basurang data na inilalako ng DOH sa gobyerno.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na lubhang mahalaga ang data accuracy sa pagdedesisyon nang tama at naaayon sa kasalukuyang sitwasyon, na hindi lamang lohikal kundi simpleng gawin.

“Data accuracy is key to correct and sound decision-making. This is an age-old tenet in management which is not only logical but simple enough,” ayon kay Lacson.

Sinabi ni Lacson na kahit hindi sinasadya ang pagkakamali sa pangangalap ng patient data tracking, dapat managot si Duque o kung sinoman ang responsable sa pagkakamali.

“Whether inadvertently committed or otherwise, it is reason enough to make people responsible and accountable. What is abominable is if such act is committed deliberately in pursuit of some selfish reasons or interests,” giit niya.

“The COVID-19 pandemic involves people’s lives, and to a large extent, their livelihoods. That said, there is no room for officials who, because of sheer incompetence or corrupt thinking, will endanger our lives that we practically entrust to them,” dagdag pa ni Lacson.

“This is not the first time that the DOH leadership is being challenged to prove itself – or leave their posts if they cannot be up to the job,” ayon kay Lacson.

Sa kanyang panig, sinabi ni Gatchalian na kapag basura ang ibinigay na impormasyon, inaasahang basura rin ang kalalabasan ng desisyon.

“Garbage in, garbage out. If DOH is feeding garbage data to decision makers, expect garbage decisions from government,” ayon kay Gatchalian.

Aniya, pangunahin ang tumpak at tamang data at impormasyon sa pamamahalaan, kaya’t nararapat lamang na accurate ang ibinibigay ng DOH. ESTONG REYES

325

Related posts

Leave a Comment