PAGBIBITIW NI LEONARDO TINANGGAP NI PBBM

KINUMPIRMA ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbibitiw sa puwesto ni Edilberto Dela Cruz Leonardo bilang commissioner ng National Police Commission (NPC).

Sa katunayan, isang liham ang ipinadala ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Department of Interior and Local Government (DILG) at NPC chairperson Juanito Victor C. Remulla Jr., may petsang Oktubre 8, 2024 sa naging pagtanggap ni Pangulong Marcos sa resignation letter ni Leonardo.

“On behalf of President Ferdinand Marcos Jr., this is to inform you that his resignation has been accepted, effective immediately,” ang nakasaad sa liham ni Bersamin kay Remulla.

Nauna rito, binigyan din ng Malakanyang ng kopya ng resignation letter ni Leonardo si Napolcom Vice Chairperson Commissioner Alberto A. Bernardo.

Si Leonardo ay iniugnay at dating PCSO general manager Royina Garma sa pagpaslang kay dating PCSO board secretary at retired general Wesley Barayuga. (CHRISTIAN DALE)

108

Related posts

Leave a Comment