Pinasinayaan ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco ang pagbubukas ng PMAAAI Center for Leadership and Excellence sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Pinangunahan ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at CEO Alejandro H. Tengco ang pormal na pagbubukas ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMAAAI) Center for Leadership and Excellence sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong Martes, Disyembre 16.
Ayon kay Tengco, isang malaking biyaya para sa PMAAAI ang P600-milyong mid-rise at multipurpose building, na pinondohan ng Newport World Resorts Foundation matapos aprubahan at itaguyod ng PAGCOR noong nakaraang taon.
Ang bagong pasilidad ay magiging tanggapan ng PMAAAI at lugar para sa pagsasanay sa pamumuno, pag-aaral, at pagkakaisa ng mga PMA alumni.
Nanguna sina (mula sa kaliwa) Newport World Resorts Foundation Chairman at President Nilo Thaddeus P. Rodriguez, PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, PMAAAI Chairman at CEO Admiral Ramon Punzalan, at PMAAAI President BGen Pedro S. Agapito sa unveiling ng marker para sa P600-milyong pasilidad
Sa kanyang mensahe, sinabi ni G. Tengco na inabot lamang ng anim na buwan ang ikalawang phase ng konstruksyon na sinimulan noong Hunyo.
“Today, we gather not to imagine what could be, but to inaugurate what now stands before us: the PMAAAI Center of Leadership and Excellence,” ani G. Tengco.
“We at PAGCOR are deeply humbled for the opportunity to play a role in this journey, made possible by the generosity of the Newport World Resorts Foundation,” dagdag niya.
Sinabi ni G. Tengco na ipinakita ng proyekto na ang nation-building ay hindi lamang responsibilidad ng pamahalaan kundi ng buong lipunan.
Itinuturing ang PMAAAI Center for Leadership and Excellence bilang sentro para sa pagsasanay sa pamumuno, pag-aaral, at samahan ng mga PMA alumni.
“The Newport World Resorts Foundation’s support reminds us that nation-building is not the government’s task alone, but a shared responsibility among all sectors of society,” dagdag niya.
Binati naman ni Newport World Resorts Foundation Chairman at President Nilo Thaddeus P. Rodriguez ang PMAAAI sa naitayong pasilidad at sinabing nagtatagumpay ang anumang gawain kapag malinaw at iisa ang layunin. Umaasa rin siya na magagamit ito ng mga susunod na henerasyon.
Inihayag din ni G. Tengco na suportado ng PAGCOR ang dalawang pangunahing proyekto ng PMA na sisimulan sa susunod na taon: ang pagtatayo ng kauna-unahang Warfare Laboratory sa PMA General Hospital at ng apat na palapag na PMA Processing Center sa V. Luna Medical Center.
Para naman kay PMAAAI Chairman at CEO Admiral Ramon Punzalan, ang bagong gusali ay katuparan ng matagal nang pangarap ng mga alumni ng PMA.
“What we inaugurated this morning is more than a structure,” ani Punzalan. “It is a place for leadership rooted in values, excellence, and faithful service to God, country, and people.”
Kasama nina PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco (ikatlo mula sa kaliwa) at Newport World Resorts Foundation Inc. Chairman at President Nilo Thaddeus Rodriguez (ikalawa mula sa kanan) ang mga opisyal ng PMAAAI sa ceremonial ribbon cutting sa inagurasyon ng PMAAAI Center for Leadership and Excellence noong Disyembre 16 sa Fort Bonifacio, Taguig City.
124



