CLICKBAIT ni JO BARLIZO PAKIWARI lang ‘to. Hindi raw oposisyon ang pasimuno ng impeachment at aberya sa gobyerno. Silipin natin ang loob ng Malacañang bago akalaing ‘yung mga kontra o hindi kaalyado ang nagpapahina sa administrasyong Marcos Jr. Eto kasi. Habang nagsusumikap si Pangulong Bongbong Marcos sa pagkuha ng mga mamumuhunan at mapaganda ang ekonomiya para sa Bagong Pilipinas, merong ilang nasa loob ng kanyang kampo ang tila sariling adyenda ang nilalaro. Kabilang sa may ibang balak si Speaker Martin Romualdez. Bagaman siya ang nagsulong ng open budget, isang transparency…
Read MoreMAPANGANIB NA EKSPERIMENTO PARA SA PCO
PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI pa rin nawawala ang haka-haka na posible pa ring magkaroon ng kinatawan sa Palasyo ng Malacañang, partikular sa Presidential Communications Office (PCO), ang tobacco industry sa katauhan ni Dave Gomez. Ayon sa bulong mula sa Malacañang, mukha na namang mapanganib na eksperimento ang isinasalang, sa katauhan ni Gomez na umano’y tahimik na isinasailalim ngayon sa pagsusuri para sa posibleng pagtatalaga sa PCO. Ang pabago-bagong mundo ng pampulitikang komunikasyon, walang ibang paraan ang Palasyo kundi sumugal kay Gomez. Ayon sa mga mapagkakatiwalaang impormasyon, naimbitahan at…
Read MoreP5.4-M KITA SA RAKET SA YELO SA BI KADA BUWAN
BISTADOR ni RUDY SIM KUMIKITA ng P5.4 milyon sa ilegal na negosyo ng yelo ang tiwaling mga opisyales ng Bureau of Immigration, sa warden facility sa detention unit nito sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, para sa VIP treatment ng inmates dito na nagbabayad ng renta para sa “ICE ROOM” na nagsisilbing air conditioned room para sa mayayamang dayuhan na nakadetine. Mula sa dalawang beses na delivery ng yelo na inaabot ng 300 sako kada araw ay kumikita di-umano ang mga opisyales dito ng P180K upang mag-supply ng sako-sakong yelo…
Read MorePULIS NAGBARIL SA ULO SA ROOFTOP NG PRESINTO
ILOILO – Patay na nang matagpuan ang isang pulis na may tama ng punglo sa ulo sa loob ng kanilang police station noong Miyerkoles ng umaga sa bayan ng Barotac Nuevo sa lalawigan. Nadiskubre ang bangkay ng 36-anyos na police staff sergeant ng isa niyang kasamahang pulis na umakyat sa rooftop para kunin ang kanyang ball cap, ani Police Major Rolando Araño, spokesperson ng Iloilo Police Provincial Office. Nakitang nakahandusay sa papag, duguan at wala nang buhay ang biktima na may tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo. Katabi…
Read MoreMILITAR NAMAGITAN SA GIRIAN NG 2 GRUPO, 3 ARESTADO
CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Muling pinatunayan ng militar ang kanilang kahandaan sa pagpigil sa karahasan matapos namagitan at pinahupa ang tensyon sa pagitan ng dalawang naglalabang grupo sa bayan ng Rajah Buayan, Maguindanao del Sur. Ayon kay Lt. Col. Germen T. Legada, Battalion Commander ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion, agad nagresponde ang tropa ng militar noong Martes ng gabi matapos matanggap ang ulat hinggil sa girian ng dalawang grupo sa Barangay Panadtaran, dahilan upang maagapan ang posibleng madugong sagupaan. Subalit pinaputukan ng mga armadong indibidwal ang…
Read More1 PATAY, 5 SUGATAN SA SALPUKAN NG 2 TRUCK
QUEZON – Isa ang patay habang lima pa ng nasugatan matapos magsalpukan ang dalawang truck at nadamay ang isang motorsiklo sa aksidenteng nangyari bandang alas-10:20 ng gabi noong Martes sa Quirino Highway, Barangay Sta. Cecilia, sa bayan ng Tagkawayan sa lalawigan. Ayon sa imbestigasyon ng Tagkawayan Police, binabaybay ng motorsiklo na sinasakyan ng isang lalaki at isang babae na mga residente ng Brgy. Mapulot, Tagkawayan Quezon, ang kalsada patungong Bicol direction nang sinubukang mag-overtake ng isang boom truck na minamaneho ng isang nagngangalang “Jayson”. Subalit biglang nagkaroon umano ito ng…
Read MoreIMPEACHMENT CASE BASE SA EBIDENSYA -SOLON
MAY hawak na matibay na ebidensya ang Prosecution team ng Kamara sa pitong (7) Articles of Impeachment laban Vice President Sara Duterte kaya hindi ito maituturing na political persecution. Sagot ito ng isa sa 11 prosecutor na si Batangas Rep.Beatrix “Jinky” Luistro sa pahayag ni Duterte na alam umano ng mga Pilipino na political persecution lang ang ginagawa ng gobyerno sa kanya at sa kanyang pamilya. “Kung walang ebidensya, that is political prosecution. Pero kung may ebidensya, that is a legitimate prosecution. As far as we are concerned, we have…
Read MoreJV SINUPALPAL NG ‘ROOKIE’
SINUPALPAL ng isang bagitong mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Sen. JV Ejercito matapos sabihin na makaaapekto sa economic activities ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte. “Corruption is a worse economic disruption,” panunupalpal ni Kabataan party-list Rep. Renee Co sa Ejercito na ang ama na si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada ay inimpeach ng Kamara noong December 2000 subalit hindi natapos ang paglilitis noong 2001 dahil sumiklab ang people power na nagpatalsik sa dating pangulo. Ayon kay Co, hindi dapat matakot ang senator-judges sa impeachment trial dahil…
Read More29 CITY PARTNERSHIP NG LGUs SA CHINA PINABABASURA
INATASAN ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan at ipawalang bisa ang 29 Sister City agreement ng mga Local Government Unit (LGU) sa China. Sa pamamagitan ng House Resolution (HR) 39 na isinulong ng mga kinatawan ng Akbayan group, panahon na para kalkalin ang mga kasunduang ito ng mga LGU sa China upang maproteksyunan ang seguridad ng bansa. Ginawa ng grupo ang nasabing resolusyon dahil sa isang pagdinig sa Senado noong November 26, 2024, kinumpirma ng National Intelligence…
Read More