DUMULOG kahapon sa Department of Justice (DOJ) si Senator Risa Hontiveros para kasuhan ang ilang kilalang Duterte Supporter Vloggers at at mga kasama pang indibidwal kaugnay sa kumakalat na video ng dating witness ng Senado. Si Hontiveros, personal nagtungo kasama ang buong legal team sa DOJ-National Prosecution Service ng kagawaran. Dito niya idinulog ang kanyang hinaing patungkol sa pagkalat ng video ni Michael Maurillo, dating Senate witness na binawi ang kanyang testimonya ukol sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy. Isinapormal ni Hontiveros ang paghahain ng kasong cyber-libel laban kina Atty.…
Read MoreMAG-AAYUDA SA NONQUALIFIED BENEFICIARIES PARUSAHAN
INIHAIN ni Senador Erwin Tulfo ang panukala na magpapataw ng parusa sa mga kawani ng gobyerno na magpapatupad ng diskriminasyon at mayroong kikilingan sa pamimigay ng ayuda ng gobyerno. Alinsunod sa panukala, makukulong ng isa hanggang anim na taon at hindi na rin makakabalik sa gobyerno ang mga kawani na mapatutunayang nagbigay ng ayuda sa mga hindi kwalipikadong benepisyaryo kabilang na ang cash, food stubs, medical-livelihood o relief packages. Kahalintulad na parusa rin ang ipapataw kapag tinanggal sa listahan o hindi binigyan ng ayuda ang mga talagang kwalipikadong beneficiaries at…
Read MorePAGSABOG SA GUN FACTORY, INIIMBESTIGAHAN NG DOLE
IPINAG-UTOS ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog sa loob ng gun manufacturing company sa Barangay Fortune, Marikina City noong Lunes na kumitil ng buhay ng dalawang manggagawa at ikinasugat ng iba pa. Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, partikular na inatasan ang DOLE-NCR na mag-imbestiga upang makapagbigay ng tulong sa mga manggagawa at para makabuo ng rekomendasyon upang matugunan ang sitwasyon at maiwasan ang katulad na pangyayari na maaaring maglagay sa panganib sa kaligtasan ng mga manggagawa. Sinabi ni Laguesma, ipatutupad ang Work Stoppage…
Read MoreMay pinakamaraming nahuli na wanted persons QCPD NANGUNA SA NCRPO
INIHAYAG ng Quezon City Police District (QCPD) na bilang bahagi ng pagtataguyod sa kapayapaan at kaayusan, ipinagmalaki nito na naitala ng QC Police sa pamumuno ni PCol. Randy Glenn Silvio, ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto ng mga wanted person mula Mayo 10 hanggang Hulyo 4, 2025, at nalampasan ang apat na iba pang distrito ng pulisya sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Ayon pa sa ulat sa panahong ito, matagumpay na nahuli ng QCPD ang kabuuang 597 wanted na indibidwal. Kasama sa mga pag-aresto ang 348 Other…
Read MoreP34K SHABU NAKUMPISKA SA BATANG DRUG COURIER
ISANG 11-anyos na batang lalaki na hinihinalang drug courier, ang nadakip makaraang makumpiskahan ng P34,000 halaga ng umano’y shabu na inilaglag nito sa kalsada sa Lungsod ng Bacolod. Ayon kay Police Captain Dax Santillan ng Bacolod City Police Station 7, itinurn-over sa kanila ng mga opisyal ng barangay ang suspek na taga-Barangay Singcang Airport, subalit napadpad sa Abada Escay, Barangay Vista Alegre ng naturang lungsod. Kuwento ng barangay kagawad na si Elizde Bernardino, napansin nila ang batang lalaki na kahina-hinala ang ikinikilos dahilan para kanila itong lapitan. Sa puntong ito,…
Read MoreScreening ng Pinoy film sa New Zealand hinarang ng China SIGALOT SA WEST PHILIPPINE SEA UMABOT HANGGANG PELIKULA
SUKDULAN na umano ang ginagawang panghihimasok ng China sa Pilipinas at maging sa ibang bansa para lamang igiit ang kanilang karapatan sa West Philippine Sea, na umabot na hanggang sa larangan ng pelikula. Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Grand Commodore Jay Tristan Tarriela, grabe na ang paggiit ng Beijing sa kanilang sovereign rights sa West Philippine Sea, hindi lamang sa karagatang sakop ng Pilipinas kung hindi pati sa film festivals din. “Imagine waking up to find that your own story—your people’s truth—is being gagged by a foreign power. Not…
Read MoreENGINEER KABILANG SA INGINUSO SA KASO NG MGA NAWAWALANG SABUNGERO
TINUKOY ang isang engineer bilang isa sa mga mastermind sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon sa whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, isa sa mga akusado sa kaso ng mga nawawalang sabungero, si Engineer Celso Salazar. Bukod kay Salazar, itinuro rin ni Patidongan sina Charlie “Atong” Ang, Eric Dela Rosa at ang aktres na si Gretchen Barretto na may kinalaman din sa kaso. Sa panayam kay Patidongan, na dating chief of security sa farm at mga sabungan ni Ang, sinabi niya na iniutos ng mga utak ang pagpatay sa…
Read MoreIpagpapatuloy lang kanilang mga adbokasiya DRILON: KIKO, BAM HINDI NAGBAGO DIREKSYON
IGINIIT ni dating Senate President at kilalang lider ng Liberal Party (LP) na si Franklin Drilon na hindi nagbago ng direksyon sina Senador Bam Aquino at Francis “Kiko” Pangilinan, at isinusulong lang ang adbokasiya na kanilang ipinangako noong kampanya sa pagka-senador noong 2025. “They didn’t switch directions. Bam campaigned on the platform of education. Kiko campaigned on the platform of food security. That’s precisely what they are pursuing by getting into the majority bloc to head the committees on which they stood as an issue when they were campaigning,” wika…
Read MorePAMAMAHAGI NG EMI CARD AT E WALLET INILUNSAD SA PASAY
INILUNSAD ng lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Pasay sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang 1st batch ng pamamahagi ng Electronic Mamamayan Identification Card o Emi card sa mahigit 1,700 na mga scholarship na mag-aaral sa kolehiyo ng lungsod. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pumila ang mga mag aaral para sa kanilang scholarship kada semester na nagkakahalaga ng P4,000 dahil gagawin nang cash-less ang pamimigay ng educational allowances sa mga estudyante. Bukod sa EMI Card, mamimigay din si Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano ng libreng Electronic Wallet…
Read More