(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TULOY ang paglaglag ni Senator Imee Marcos sa pinsang si House Speaker Martin Romualdez matapos nitong muling pagbintangan ang huli na nasa likod ng maugong na kudeta sa Senado. Kinumpirma ni Imee na may ugong na patalsikin si Senate President Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri ngunit hindi aniya nanggaling sa Senado kundi sa Mababang Kapulungan na pinamumunuan ni Romualdez. “Lahat ng ugong galing sa Kongreso, hindi sa mga senador,” ayon kay Marcos sa isang panayam. “Nakakatawa nga eh. Palitan na lang kaya nila yung Speaker, bakit nila…
Read More4 PATAY, 1 SUGATAN SA SUNOG SA CAVITE
NASAWI ang apat na magkakamag-anak habang isa ang sugatan, sa sunog na sumiklab sa limang kabahayan sa Tanza, Cavite, Lunes ng gabi. Kinilala ang mga nasawi na sina Tersita, 68; Anthony, 39; Gerrone Owen, 12 at Gemille Athena, 5, na pawang Domingo ang apelyido. Isang Jeni Domingo naman ang nasugatan at isinugod sa Tanza Specialist Hospital. Sa ulat, dakong alas-11:54 kamakalawa ng gabi nang magsimula ang sunog sa isang bahay sa Barangay Biwas na umabot sa 2nd alarm at idineklarang fire out dakong ala-1:14 ng madaling araw ng Martes. Ayon…
Read MoreP170K SHABU NASABAT SA TULAK SA CAVITE
CAVITE – Pasok sa kulungan ang isang hinihinalang tulak matapos makumpiskahan ng tinatayang P170,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Waray”, 30, tubong Marawi City at residente ng Brgy. Datu Esmael, Dasmarinas City, nasa listahan ng high value individuals (HVIs). Ayon sa ulat, dakong alas-8:20 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Office (PPO), at Dasmariñas Component City Police Station sa Brgy. Datu Esmael, Dasmarinas…
Read MoreLOLA PINUGUTAN, INATADO SA CEBU
CEBU – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 75-anyos na lola na makaraang pugutan ng ulo ay pinagtataga pa ang katawan nito ng kaalitang lalaki sa Purok Malubgas, Barangay Basdiot, sa bayan ng Moalboal sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Gomersinda Deniega Avenido, residente ng nabanggit na lugar. Ayon sa report ng Moalboal Police, natagpuan ang bangkay ng biktima sa damuhan na natatakpan ng tarpaulin. Subalit natuklasan ng mga residente ang pangyayari matapos na malanghap ang masangsang na amoy na nagmumula roon. Nakilala naman ang suspek na…
Read More2 MANGINGISDA NASAGIP NG PCG, 4 PA MISSING
SURIGAO DEL NORTE – Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawa sa anim na nawawalang mangingisda sa lalawigan. Base sa imbestigasyon, ang anim na mangingisda ay umalis mula sa Barangay Canlanipa, Surigao City, alas-5:00 ng hapon noong Pebrero 28 para mangisda sa karagatang sakop ng Limasawa Island. Habang naglalayag sa karagatan ng San Ricardo, Southern Leyte noong Pebrero 29, nakasalubong nila ang maalong bahagi ng karagatan dahilan para masira ang harapan ng kanilang bangka at pinasok ng tubig. Kinilala ang mga nasagip na sina Jesmar Besing,…
Read MoreALLIED BALIKATAN EXERCISES IKINAKASA NA NG US, PHILIPPINES
IKINAKASA na ang isasagawang malakihang joint war exercises ng Pilipinas at United States (US) militaries na sasalihan ng ilang allied countries na gaganapin sa hilaga at kanlurang bahagi ng Pilipinas, ayon sa executive agent ng RP-US 2024 Balikatan Exercises na si Colonel Michael Logico kahapon. “Batanes is one of the locations that we are considering in the execution of Balikatan,” pahayag ni Logico, bukod sa posibleng pagsasanay sa bahagi ng West Philippine Sea o Palawan, sa ginanap na pulong balitaan. “We will also be doing maritime exercises west of Palawan…
Read MoreSAKIT NA DULOT NG EL NIÑO WATER CONTAMINATION, NAITALA NG DOH
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng mga kaso ng water contamination, food-borne at vector-borne na mga sakit sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, sa gitna ng umiiral na El Niño phenomenon. Noong Enero 2024, ang DOH ‘s El Niño-related health events ay nakapagtala ng 469 kaso ng kontaminadong pinagmumulan ng tubig sa CAR, Rehiyon 11 at 4A; 59 kaso ng food-borne na mga sakit sa NCR, Region 10, at BARMM; at 137 kaso ng vector-borne disease (dengue at chikungunya) sa Rehiyon 10 at 4B. Sinabi ni DOH Assistant Secretary…
Read MoreBIKTIMA NG MAIL ORDER BRIDE SCHEME, NASABAT SA NAIA
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang biktima ng mail order bride scheme, na patungo sa China at nagpakita pa ng genuine na dokumento. Ayon sa mga miyembro ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), ang nasabat ay isang 20-anyos na babae na hindi pinangalanan at iniskortan ng isang 34-anyos na lalaking Chinese. Ang biktima ay nagsabing papunta ng Shenzhen, China kasama ang umano’y kanyang asawa at pasakay ng Air Asia flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. “The immigration officer said both…
Read MoreANTI-GAMBLING LAW WALANG PANGIL VS GAMBLING LORDS
LUMALABAS na walang silbi ang batas laban sa illegal gambling dahil mula nang amyendahan ang Presidential Decree (PD) 1602 noong 2004 ay wala pang naipakukulong na mga gambling lord sa bansa. Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, hindi naitago ni Sta. Rosa Laguna Rep. Dan Fernandez ang kanyang pagkadismaya na sa kabila ng mataas na penalty sa gambling lords at mga protector ng mga ito sa gobyerno, ay wala pang nakukulong kahit lantad na lantad ang pagpapasugal sa bansa. “Mabigat ang batas na ito, ‘yung Republic…
Read More