MAY SUROT NA MAY DAGA PA

DPA ni BERNARD TAGUINOD NOONG panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay nauso ang laglag-bala scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ginamit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang presidential bid. Maanghang magsalita si Digong at gusto ‘yun ng mga tao kaya kinagat at ibinoto siya bilang pangulo ng bansa noong 2016 pero noong naluklok na siya ay hindi natigil ang kalokohan sa pambansang paliparan. Nagkaroon ng Pastillas scam sa NAIA na kinasangkutan ng tiwaling Immigration officials na mas malaki kaysa laglag-bala noong panahon ni PNoy, dahil bilyones…

Read More

PANANAW NG MARITIME EXPERTS SA MAGNA CARTA FOR FILIPINO SEAFARERS

PUNA ni JOEL O. AMONGO TALIWAS sa inaasahan ng kinabibilangan ng mga industriya ng marino o maritime industry, ay hindi nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., nitong nakaraang Lunes, Pebrero 26, ang dapat sana ay Magna Carta for Filipino Seafarers. Kabilang ang ating kaibigan na maituturing na kasama sa hanay ng mga eksperto sa larangan ng pagbabarko, ang lubos na nalulugod sa hindi paglagda ng Pangulo, upang mabigyang-daan ang Senado at Kongreso na masuri muna nila nang husto bago sana ito maging ganap na batas. May apat na haligi…

Read More

MAGTRABAHO PARA UMASENSO

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS HALOS lahat ng mga Pilipino, ang kanilang pananaw sa buhay ay pare-parehas, mag-aaral para ‘pag nakapagtapos sa kolehiyo ay magkaroon ng magandang trabaho at malaking sweldo. Bagama’t hindi pare-pareho ang kapalaran ng bawat tao, subalit mahalaga pa rin sa atin na mayroon tayong pinag-aralan. Mayroon sa atin hanggang sa pangarap lang, pero hindi sinasamahan ng sipag at tiyaga kaya hindi nila naaabot ang kanilang mga pangarap. Sabi nga ng iba, hindi hadlang ang pagiging mahirap para makapagtapos ka ng pag-aaral. Sa katunayan, maraming mayayaman…

Read More

AFP, PNP NAKIISA SA NATIONAL WOMEN’S MONTH CELEBRATION

KAPWA nakiisa ang mga dating male dominated government security agency, ang Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police, sa pagdiriwang ng National Women’s Month Celebration 2024 kasunod ng simultaneous flag-raising and kick-off ceremony kahapon sa kanilang mga punong himpilan. Inihanda ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang serye ng mga aktibidad kaugnay sa Tema ngayong taon na “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan.” Tampok dito ang inilunsad na exhibit na tinawag na, “HERStory of Women, Peace, and Security in the AFP” na naglalarawan ng iba’t ibang…

Read More

2 ‘BUGAW’ NG MINORS TIMBOG SA TARLAC

BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang indibidwal na responsable sa umano’y pambubugaw ng mga menor de edad sa KTV bar sa Concepcion, Tarlac. Base sa ulat ng National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD), inaresto sina Josie Hipolito Quilantang alyas “Mommy Sandra”, at Angelita Quilantang Mallari alyas “Ate Angie”, nahaharap sa kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, Qualified Trafficking, at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Napag-alaman, ipinagbigay-alam ng Social Service Department, Sagip Center…

Read More

MOST WANTED SA BULACAN ARESTADO SA BASECO

ARESTADO ng mga awtoridad sa Baseco Compound sa Port Area, Manila ang isang 20-anyos na hinihinalang tulak ng ilegal na droga na pinaghahanap sa San Jose del Monte, Bulacan, makaraan ang mahigit tatlong taon. Kinilala ang nadakip na si James Maliclic, naninirahan sa Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area, Manila, nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Batay sa ulat na isinumite ni Police Captain Mel Soniega kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel “Mike” Gomez, station commander, bandang alas-11:30 ng umaga nang arestuhin ang suspek sa bisa…

Read More

PCG MAGPAPATRULYA SA BENHAM RISE

NAGPADALA ng barko ang Philippine Coast Guard (PCG) para magpatrolya sa loob ng dalawang linggo sa Benham Rise. Simula ngayong araw, magpapatrolya ang BRP Gabriela Silang sa Batanes at Benham Rise batay sa kautusan ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gavan. Ang two-week mission ng BRP Gabriela Silang ay matapos mamataan ang ilang Chinese vessel noong nakaraang linggo na tila nagsasagawa ng kakaibang aktibidad sa naturang karagatan. Ang PCG vessel ay magsasagawa ng maritime domain awareness, paiigtingin ang presensya ng Coast Guard sa Northern Luzon, at imo-monitor ang hanapbuhay ng…

Read More

GO SIGNAL NI BBM HINIHINTAY SA DISMISSAL NG POLICE GENERAL

WALA pang go signal mula sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagsibak sa dating director ng Southern Police District (SPD) at isa pang opisyal kaugnay ng kuwestiyonableng raid ng kanilang mga tauhan sa isang condominium sa Paranaque City noong 2023. Sa huling pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety kahapon, tinanong ni Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen Paduano kung kasama sina dating SPD Director Gen. Brig. Gen. Roderick Mariano at SPD comptroller Col. Charlie Cabradilla sa mga sinibak sa serbisyo. “Not yet your Honor,…

Read More

SUNDALO GALING SA LAMAY PATAY SA AKSIDENTE

ZAMBOANGA DEL SUR – Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang miyembro ng Philippine Army na natagpuang patay at nakabulagta sa gilid ng highway sa Barangay Baloybuan, Pagadian City sa lalawigan. Ayon sa report ng Pagadian City Police, Linggo ng umaga nang madiskubre ang wala nang buhay na si Army Sergeant Erlito Guinalaran Pacaña, residente ng Barangay Langapod, Labangan, Zamboanga Del Sur. Nakahandusay ito sa tabi ng kanyang motorsiklo. Ayon sa mga kaibigan at kakilala ng biktima, huli itong nakitang buhay noong Sabado ng gabi sa lamay ng…

Read More