CEBU – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 75-anyos na lola na makaraang pugutan ng ulo ay pinagtataga pa ang katawan nito ng kaalitang lalaki sa Purok Malubgas, Barangay Basdiot, sa bayan ng Moalboal sa lalawigan noong Lunes ng hapon.
Kinilala ang biktimang si Gomersinda Deniega Avenido, residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa report ng Moalboal Police, natagpuan ang bangkay ng biktima sa damuhan na natatakpan ng tarpaulin.
Subalit natuklasan ng mga residente ang pangyayari matapos na malanghap ang masangsang na amoy na nagmumula roon.
Nakilala naman ang suspek na si Reno Arcelo Tereso, 36, isang informal settler sa lugar na agad ding naaresto ng mga awtoridad.
Lumabas sa imbestigasyon na nagalit ang suspek dahil pinapaalis ito sa tinitirahan nitong lote na pag-aari ng biktima.
Nagkaroon ang dalawa ng pagtatalo hanggang sa kumuha ng itak ang suspek at pinugutan saka pinagtataga ang biktima.
(NILOU DEL CARMEN)
