PAGGAMIT NG QPASS TULOY SA CALOOCAN

OBLIGADO pa ring gumamit ng quarantine pass mula sa pamahalaang lungsod ang mga residente ng Caloocan City kahit isinailalim na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Kalakhang Maynila.

Ayon kay Mayor Oscar Malapitan, sa pamamagitan ng quarantine pass ay matitiyak na mga awtorisado lamang ang mamimili o pupunta sa mga negosyong pinapayagan sa ilalim ng MECQ.

Giit pa ni Malapitan, gagamitin ang quarantine pass hanggang sa iutos ng pamahalaang lungsod na itigil na ang paggamit nito.

Nagbabala rin ang alkalde sa mga nasasakupan na hindi itinuturing na authorized person outside residence o APOR, na manatili na lamang sa bahay.

Ayon sa Caloocan Police, umabot sa 4,871 residente ng lungsod ang hinuli dahil sa paglabag sa quarantine protocols habang nasa ilalim ng enhance community quarantine (ECQ) ang Metro Manila mula Agosto 6-20. (ALAIN AJERO)

195

Related posts

Leave a Comment