ITUTULOY ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahanda sa susunod na buwan para sa December 2022 barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections sa kabila ng panawagan na ipagpaliban ito, ayon kay Commissioner George Garcia nitong Huwebes.
“Definitely this coming June, we will already start the ball rolling for the preparations for the barangay and SK elections. We cannot presume that Congress will not be proceeding with the elections. We still have to prepare. Napakahirap naman po kung bandang September, bigla na lang matutuloy pala tapos wala kaming paghahanda,” pahayag ni Garcia.
Ginawa ni Garcia ang pahayag kasunod ng pahayag ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na mahigit sa P8 bilyon ang mase-save kung ang barangay elections ngayon taon ay maipagpaliban.
Mungkahi ng mambabatas, ang nasabing halaga ay maaaring gamitin sa pagtugon sa COVID-19 at economic stimulus at ayuda para sa mga naapektuhan ng pandemya. (RENE CRISOSTOMO)
370
