Paghihigpit ng FDA, DOH delikado- Defensor PEKENG IVERMECTIN KAKALAT

HINDI isinasantabi ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na maraming pekeng ivermectin ang kakalat sa merkado kung patuloy na hihigpitan ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) sa nasabing gamot.

Dahil dito, umapela si Defensor sa DOH at FDA na payagan ang mas maraming compounding laboratories na mag-produce ng ivermectin upang maiwasan ang pamemeke, smuggling at pagtaas ng presyo nito.

Ayon sa mambabatas, mismong ang FDA ng Pilipinas, FDA ng United States (US) at World Health Organization (WHO) ang nagsabi na safe ang nasabing gamot na may human-grade taliwas sa ipinalabas ng mga naninira na veterinary drug ang ipinaglalaban nilang gamot.

“Kaya ang pakiusap ko sa DOH at FDA, payagan nyo ang iba pang compounding laboratories. Bakit? Ang nangyayari ngayon, marami na ang nag-smuggle, ang nangyayari ngayon tumataas na ang presyo. Ang kinatatakot ko, baka nangyayari na ngayon, marami ang namemeke,” pahayag ni Defensor.

Ipinaliwanag ng mambabatas na desperado na ang mga tao na makahanap ng alternatibo subalit mabisa at murang gamot para gumaling sa COVID-19 o kaya maproteksyunan sa nasabing virus.

Posibleng samantalahin aniya ito ng mga tiwaling tao at gumawa ng pekeng ivermectin, mag-smuggle at itaas ang presyo nito pero maiiwasan ito kung mananatiling bukas ang isip ng dalawang ahensya sa nasabing gamot.

“Pabayaan ang mga compounding laboratories, sasabihin nila 5 at sasabihin nila na puwede kayong gumawa ha pero titingnan namin ang kalidad ng ginagawa nyong ivermectin. Gawin din nila ito sa Visayas at Mindanao,” ani Defensor.

Sa pamamagitan nito ay maiiwasan aniya ang pagkalat ng mga pekeng ivermectin at iminungkahi rin niya na magsagawa ng clinical trial ang DOH dahil ginagawa na aniya ito sa Australia, Japan, Estados Unidos, at South America at bigyan din ng kalayaan ang mga taong gustong gumamit nito.

“Kasi nga kung ginawa nila (ang clinical trial) sa isang probinsya, o bumagsak ang bilang ng may sakit, o bumagsak numero ng namamatay eh di malaking tulong sa sambayanang Pilipino,” ayon pa kay Defensor.

 

HINDI ILLEGAL DRUG

Samantala, pinababawi ni Deputy Speaker Bernadette Herrera sa Philippine National Police (PNP)-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang memo nito na nag-aatas na arestuhin ang mga nagbebenta at gumagamit ng ivermectin.

“Ivermectin is not an illegal drug. You cannot ban its use. It is our right to take care of ourselves as we fit it,” ani Herrera kaya hindi umano ito dapat ituring na katulad ng mga ilegal na droga na sumisira sa buhay ng mga tao.

Ang Memorandum ay nilagdaan ni CIDG Deputy Director for Operation Police Colonel Cosme Abrenica, ayon kay Herrera. Utos umano ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 24 sa isang private meeting sa Malacañang.

“How can ivermectin be illegal when compounding laboratories are actually allowed to produce and sell it?” ayon sa mambabatas.

Umapela rin si Herrera sa DOH at FDA na linawin sa PNP kung anong klase ng ivermectin ang kanilang pinahahabol sa mga pulis dahil nalilito na aniya ang mga tao.

“Eh siyempre naman, yung for human grade na ivermectin ang gagamitin ng mga tao. But having said that, etong kautusan na ito ng PNP ay mali at hindi nararapat sapagkat ito’y magdudulot lamang ng kalituhan at pangamba,” ani Herrera. (BERNARD TAGUINOD)

130

Related posts

Leave a Comment