PAGKAUBOS NG AGRI JOBS PINATUTUTUKAN SA GOBYERNO

IGINIIT ng isang mambabatas sa Kamara sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na kailangang tutukan ang agrikultura dahil habang tumatagal ay paunti-nang-paunti ang trabaho sa sektor nito.

“We need serious work in the agriculture sector,” punto ni House ways and means committee chairman Joey Salceda kaya bagama’t bumaba sa 3.1 porsyento ang unemployment rate noong Disyembre ng nakaraang taon mula sa 3.5 porsyento noong 2023 at 4.3 porsyento noong 2022, patuloy na nauubos naman ang trabaho sa sektor ng agrikultura.

Hindi man nagbigay ng datos ang mambabatas kung ilang porsyento sa trabaho sa sektor ng agrikultura ang nawala sa nakaraang tatlong taon, hinayag nitong nakakabahala ang kasalukuyang sitwasyon.

“Some of these job losses are due to shifting from more seasonal agri sector work, to say, being habal-habal, construction workers, and other similar occupations,” paliwanag pa ng mambabatas.

Hindi aniya ito nakapagtataka dahil hindi umuunlad ang sektor ng agrikultura sa bansa kaya kailangang aniyang magkaroon ng konkretong plano ang gobyerno para resolbahin ang problemang ito.

“We need a credible plan from the DA to fix this quandary. The long term growth prospects of the country, and the value of our workforce wages, depend almost entirely on getting agriculture right,” ani Salceda.

Kinumpirma din ng mambabatas na nagsimula nang naramdaman ng ating mga magsasaka ang negatibong epekto ng pagbabawas ng taripa sa imported na bigas dahil mas mababa na sa ₱20 ang farmgate price ng palay. (PRIMITIVO MAKILING)

9

Related posts

Leave a Comment