NAGHAIN ng panukalang batas si Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos Barba para ipangalan kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ang Mariano Marcos State University (MMSU) sa Ilocos Norte.
Kapag naisabatas ang House Bill (HB) No. 2407 na inakda ni Barba, tatawagin na bilang FEMSU o Ferdinand E. Marcos State University ang MMSU, bilang pagkilala sa legasiya ng dating pangulo.
Sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1279, itinatag ng dating pangulo ang nasabing state university at ipinangalan niya ito bilang pagkilala sa kanyang amang si Don Mariano R. Marcos na isang abogado, educator at mambabatas.
Kinilala ng Commission on Higher Education (CHED) ang MMSU bilang “Center of Excellence (COE) in Teacher Education at Center of Development (COD) sa larangan ng agrikultura, biology, forestry at information technology.
“MMSU has also been chosen as one of the few National Universities for Agriculture and Fisheries Education in the entire Philippines,” ayon pa sa panukala ni Barbara kaya kung nabubuhay lang aniya ngayon ang nasabing pangulo ay matutuwa ito sa narating ng nasabing unibersidad.
Dahil dito, nais ng mambabatas na isunod sa pangalan ng dating pangulo ang nasabing unibersidad bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon at legasiya sa pagtatag sa nasabing paaralan.
“In recognition of President’s Marcos ‘ unparalleled vision and undying legacy, this bill seeks to rename Mariano Marcos State University (MMSU) as Ferdinand E. Marcos State University (FEMSU)—from one generation to the other. A generation that has honored the father and is now ready to honor the son, similar to how the father passes the torch to his son,” ayon pa kay Barba. (BERNARD TAGUINOD)
263 