PAGKUHA SA SWELDO NG MGA ASAWANG LALAKI, ‘ECONOMIC ABUSE’

(NI ABBY MENDOZA)

SA oras na maamyendahan ang Anti Violence Against Women and Their Children Act of 2004, maaari nang kasuhan ng economic abuse ang mga asawang babae na pwersahang kukuha ng buong sweldo ng kanilang mga mister.

Ang pag-amyenda sa Women and Their Children Act of 2004 ay isinusulong ni Rizal Rep. Fidel Nograles sa inihain nitong House Bill 4888, layon ng panukala  na bigyang proteksyon din ang mga kalalakihan laban sa pang-aabuso sa kanila ng kanilang mismong mga partners.

Bukod sa pisikal at emosyunal na pang aabuso ay binibigyang karapatan din sa nasabing panukala ang mga lalaki sa kanilang sweldo at kung pipilitin itong iturnover nang buo ang kanyang sahod na wala nang maiiwan para sa kanyang sarili ay maaari na itong magsampa ng kaso ng economic abuse.

“Economic abuse happens kapag financially dependent na lang ang isa sa kanyang partner.. ‘yung nawawala na ang kanyang karapatang tugunan ang kanilang mga sariling pangangailangan.Yung pagkuha ng ATM card kung nasaan ang suweldo, hindi na nabibigyan ng pagkakaton ang mister na mag-decide sa gastusin, maaari itong maging isang uri ng economic abuse na puwede nating tugunan sa ilalim ng ating batas,” paliwanag ni Nograles.

Nilinaw ni Nograles na hindi anti women ang kanyang panukala kundi nagsusulong ng gender equality.

Sa pagpapraktis umano ng kanyang propesyon bilang abogado ay marami itong nahawakang marital problems kung saan may mga lalaking naabuso din ng kanilang mga asawa.

“In my experience in providing legal aid to people with marital problems, there are 12 to 15 abused husbands/male partners in every 100 couples and there could be more”ani Nograles.

Ani Nograles hindi lamang nailalantad ang mga ganitong pang-aabuso sa mga kalalakihan subalit sa oras na maisabatas ang pagbibigay proteksyon sa mga kalalakihan ay tiyak na malalantad din sa publiko na may ganitong realidad.

 

942

Related posts

Leave a Comment