Paglabag hinimay sa Kongreso 9 ‘DEADLY SINS’ NG ABS-CBN

UMUSOK ang social media sa galit ng netizens sa mga kongresista na nasa likod ng pagbasura sa franchise application ng ABS-CBN Corp. na isang patunay na hindi lubos na naunawaan ng marami ang mga dahilan sa likod ng nasabing aksyon ng mga mambabatas.

Pinepersonal ng mga supporter ng ABS-CBN sa social media ang mga kongresista tulad nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, Cavite Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla, Deputy Speaker Rodante Marcoleta, Dasmarinas Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga na gumisa sa mga opisyal at may-ari ng nasabing network.

Maging ang mga kongresistang bumoto ng pabor sa resolusyon na binuo ng Technical Working Group (TWG) na siyang nagbaba nang tuluyan sa telon ng ABS-CBN matapos ang 65 taong pamamayagpag sa ere, ay pinag-iinitan ng mga suporter ng network.

Pero ano ba ang batayan ng 70 congressmen/women mula sa 94 miyembro ng House committee on legislative franchises kaya sinuportahan nila ang ‘Resolution denying the franchise application of ABS-CBN Corporation to construct, install, establish, operate, and maintain radio ang television broadcasting stations in the Philippines’?.

Sa 40 pahinang TWG group report na binuo nina Cebu City Rep. Pablo John Garcia, Camiguin Rep. Xavier Jesus

Romualdo at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, inilatag ang naging batayan ng 70 kongresista para suportahan ang pagkitil sa prangkisa ng nasabing network.

Inilatag ng TWG ang “9 deadly sins” ng ABS-CBN na naging dahilan kung bakit ‘pinatay” ang kanilang franchise application makalipas ang 12 pagdinig na ginawa ng House committee on legislative franchises na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz “Chikoy” Alvarez at House committee on good government and legislative franchise na pinamumunuan naman ni Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado.

Kinabibilangan ang mga paglabag na ito ng : 1. foreign ownership 2. Philippine Depositary Receipts (PDRs) 3. 50 years limit sa prangkisa 4. Kwestyonableng pagbabalik ng ABS-CBN sa mga Lopez 5. TV plus at pay- per-view 6.

sabwatang ABS-CBN at Amcara 7. Labor violations 8. Tax aviodance at 9. Political medding.

AMERIKANO
SI GABBY LOPEZ

Unang nilabag ng ABS-CBN Corporation ang Section 11 (1), Article XVI of the 1987 Constitution na nagsasaad na “The ownership and management of mass media shall be limited to citizens of the Philippines, or to corporations, cooperatives or associations, wholly-owned and managed by such citizens. x x x” matapos mapatunayan sa joint hearing ng dalawang nabanggit na komite ang pagiging American Citizen ni Eugenio “Gabby” Lopez III na isa mga may-ari at namahala sa broadcast network ng kanilang pamilya dahil isinilang siya noong Agosto 13, 1952 sa Boston, Massachusetts.

Naging director si Lopez sa ABS-CBN noong 1986 at halos lahat ng matataas na posisyon ay inupuan hanggang sa maging chairman at Chief Executive Oficer noong 1997. Nagretiro ito noong 2018.

“He applied for recognition of his Philippine citizenship only in 2001, and this recognition was granted by the Bureau of Immigration and DOJ in 2002, when Mr. Lopez was already fifty (50) years old. Clearly, Mr. Lopez became Director, Chairman of the Board of Directors, President, and Chief Executive Officer of ABS-CBN before he was recognized as Filipino,” ayon sa TWG Resolution.

Inamin ni Lopez sa pagdinig na kahit mayroon na siyang Philippine Passport ay ang kanyang American passport pa rin ang kanyang ginagamit kapag pumupunta sa mga bansa tulad ng Europe at Japan.

“It must be noted from the Travel Records of Mr. Lopez submitted by the DOJ and the Bureau of Immigration that his first recorded arrival in Manila (from the US) was in 15 July 1986 using US Passport 051136203 (issued 19MAR1986).

There is no prior record of Mr. Lopez’ arrival/departure earlier than July 1986. Based on the same official records, Mr. Lopez solely used a US passport, i.e. travelled as US citizen from 15 July 1986 to 13 July 2004.

He only started using both Philippine and US passports on 19 July 2004 (arrival in Manila)” bahagi pa rin ng report.

Inamin din ni Lopez sa komite na bumoboto ito sa eleksyon sa Amerika tulad noong 2016 US presidential election na ayon sa TWG Resolution ay “Voting in elections is the supreme act citizenship of an individual, proclaiming to the world his exercise of sovereignty to choose government leaders of a State”.

“There is a cloud of doubt on Mr. Lopez’s Filipino citizenship and allegiance to the Philippines,” ayon pa sa TWG report dahil hindi ito nagpakita ng ebidensya tulad ng Philippine passport, birth certificate na mga Filipino citizen ang kanyang mga magulang na sina Eugenio Lopez Jr. at Conchita La’O nang ipanganak ito sa Amerika noong 1952. Tanging ang affidavit ng ina nito ang kanyang isinumiteng papeles sa BI na Filipino citizen sila.

Lalong nagduda ang mga mambabatas sa pagiging Filipino ni Lopez dahil nang ipanganak ito ay hindi man lamang naisip ng kanyang mga magulang na iparehistro siya sa Embahada ng Pilipinas sa Amerika.

“His parents’ Filipino citizenship at the time of Mr. Lopez’s birth is a specific and crucial fact not present in the records of the Bureau of Immigration in order to dispel the possibility that his parents could have been naturalized as American citizens, i.e. that they had categorically renounced Filipino citizenship before Mr. Lopez was born in 1952.

If his parents were already American citizens at the time of his birth, it was impossible for them to transmit

Filipino citizenship to Mr. Lopez through jus sanguinis,” ayon pa sa resolution kaya ang ang paniniwala ng TWG “all these acts taken together demonstrate a pattern and ultimately cast doubt on the Filipino citizenship and allegiance of Mr. Lopez”. PDRs

Pangalawang paglabag ng ABS-CBN sa nasabing probisyon sa Saligang Batas nang ibenta ng ABS- CBN Holdings Corporation ang 62.6% o 187 Million sa 298 Million Philippine Depositary Receipts (PDRs) sa mga dayuhan sa halagang P8.6 Billion habang 37.4% lamang ang napunta sa mga Filipino sa halagang P5 Billion.

“The PDRs appear to have been utilized to allow foreign ownership in ABS-CBN which could have violated the 1987 Constitution,” ayon sa TWG Resolution.

“ABS-CBN’s PDRs appear to have allowed foreigners a measure of control in the company which could have violated the Constitution,” dagdag pa sa resolution dahil bagama’t ang ABS-CBN Holdings Corporation ang nagbenta nito ay hindi pa rin maiwasang magkaroon ng kontrol ang mga dayuhang nakabili ng PDRs dahil kontrolado ng kumpanyang ito ang 34.6% share sa nasabing network.

Nagsimulang magbenta ang ABS-CBN Holdings Corporation ng PDR noong 1997 o noong panahon ng Asian Financial cricis subalit nang magrekober ang ekonomiya ng mga bansa sa Asya, patuloy pa rin ang pagbebenta ng mga ito.

“More than two decades had already passed since the crisis and ABS-CBN no longer suffers from the plunge it took as evidenced by the billions of income it has been earning over the past years. What then is the current underlying motive for the issuance of PDRs in favor of foreigners?” tanong pa sa TWG resolution.

TAX AVOIDANCE
PINAKA-‘DEADLY’

ISA sa mga nagbaon sa ABS-CBN Corporation para tuluyang ibasura ng Kongreso ang kanilang franchise application ang pag-iwas umano ng mga ito sa pagbabayad ng tamang buwis na itinuturing na “disservice to the Filipino People” ng isang mambabatas.

‘Pinatay” ang franchise application ng giant network makalipas ang 12 pagdinig na ginawa ng House committee on legislative franchises na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz “Chikoy” Alvarez at House committee on good government and legislative franchise na pinamumunuan naman ni Bulacan Rep. Jonathan Sy- Alvarado.

Una nang inilahad kahapon ng Saksi Ngayon ang dalawa sa mga masasabing ‘deadly sins’ ng ABC- CBN – ang pagiging Amerikano ni Gabby Lopez at pangalawa ang usapin sa PDR na isang paglabag sa probisyon sa Saligang Batas.

Ito ay nang ibenta ng ABS-CBN Holdings Corporation ang 62.6% o 187 Million sa 298 Million Philippine Depositary Receipts (PDRs) sa mga dayuhan sa halagang P8.6 Billion habang 37.4% lamang ang napunta sa mga Filipino sa halagang P5 Billion.

Ang mga paglabag umano ng kumpanya na nakasaad sa 40 pahinang Technical Working Group (TWG) report na binuo nina Cebu City Rep. Pablo John Garcia, Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo ay ang : 1. foreign ownership 2. Philippine Depositary Receipts (PDRs) 3. 50 years limit sa prangkisa 4.

Kwestyonableng pagbabalik ng ABS-CBN sa mga Lopez 5. TV plus at pay-per-view 6.

sabwatang ABS-CBN at Amcara 7. Labor violations 8. Tax aviodance at 9. Political medding.

50 TAONG LIMIT

Pinaniniwalaang paglabag sa Section 11, Article XII of the 1987 Constitution ang panibagong prangkisang hinihingi ng ABS-CBN na naglilimita sa 50 taon sa isang prangkisa.

Nakasaad sa nasabing probisyon na “No franchise, certificate, or any other form of authorization for the operation of a public utility shall be granted except to citizens of the Philippines or to corporations or associations organized under the laws of the Philippines at least sixty per centum of whose capital is owned by such citizens, nor shall such franchise, certificate, or authorization be exclusive in character or for a longer period than fifty years…” Pero ang ABS-CBN ay 65 taon nang namayagpag sa ere simula noong 1967 nang bilhin ni Eugenio H. Lopez Sr., may- ari ng Chronicle Broadcasting Network (CBN), ang Alto Broadcasting System (ABS) Noong Pebrero 1, 1967.

Inilatag ng TWG ang “9 deadly sins” ng ABS-CBN na naging dahilan

KWESTYONABLE

Hindi rin malinaw para sa Kongreso dahil walang maipakitang dokumento ang pamilya Lopez na nagpapatunay na sila ang may-ari ng nasabing network at maging ang mga pasilidad sa Mo. Ignacia St., Quezon City.

Noong Abril 17, 1986 o halos dalawang buwan pagkatapos ng EDSA Revolution, hiniling ng pamilya Lopez sa pamamagitan ng kanilang abogadong si dating Sen. Lorenzo Tanada sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) na ibalik sa kanila ang TV Station Channel 2 na inaprubahan naman ng komisyon noong Hunyo 18, 1986.

Bumuo ng Arbitration Committee si dating Pangulong Corazon Aquino para patunayan ng pamilya Lopez na sila nga ang tunay na may-ari ng mga ari-arian at pasilidad na nais nilang ibalik sa kanila ng gobyerno.

Nagsimula ang arbitration proceedings noong Oktubre 18, 1986 subalit naniniwala ang TWG na hindi nasunod ang itinakda sa Proclamation N0. 50 hinggil sa pagbabalik sa sequestered assets at mga equipment sa ABS-CBN. Sa pagtatanong ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor kay PCGG Commissioner John Agbayani, inamin ng  opisyal na biglang nawala sa kanila ang mga asset ng network noong 1992.

“Kaya nga po, ang nangyari po sa inyo, ang mga equipment na ito, bigla na lamang nawala sa inyo na hindi sinusundan ‘yung proseso na gumagabay sa inyong ahensya at ibinalik lang sa ABS-CBN nang hindi dumaan sa tamang proseso?,” tanong ni Defensor.

Kinukuwestiyon din ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang titulo ng lupa kung saan nakatayo ang headquarters ng ABS-CBN sa Mo. Ignacia St., Quezon City na kasama sa ibinalik sa mga Lopez ng administrasyon ni Cory Aquino.

Ayon kay Marcoleta, Xerox copy lang ang isinumite ng ABS-CBN sa titulo ng lupa na may numerong 125702 at nang beripikahin umano niya ito sa Register of Deeds sa Quezon City ay lumalabas na hindi ito nakarehistro.

TV PLUS AT PAY-PER VIEW

Lumabag din sa kanilang prangkisa ang ABS-CBN sa pagkakaroon ng multiple channel sa pamamagitan ng kanilang ibinentang TV Plus at maging sa paniningil ng mga ito ng bayad sa mga ipinalalabas sa kanilang mga istasyon.

Noong Pebreo 10, 2015 nang iisyu ng NTC ang ABS-CBN Demonstration Permit No. BSD-0010-2015 para sa testing ng kanilang Digital Channel 43 na magtatagal hanggang June 30, 2015.

“Upon receipt of said permit, ABS-CBN proceeded to use the frequency to generate multiple channels/programs to be included in its TV Plus Box,” ayon sa TWG.

Gayunpaman, imbes na itigil ng ABS-CBN ang kanilang testing sa kanilang Digital Channel 43 ay ipinagpatuloy nila ito hanggang 2019.
Sa sistema ng TV Plus Box, tanging ang nakabili ng blackbox ang makapanonood ng mga programang inilalabas dito na isang paglabag sa kanilang legislative franchise o Republic Act (RA) 7966.

“NTC itself confirmed that based on its existing regulations, ABS-CBN had no authority to encrypt or lock from the non-paying public its TV Plus Box channels which are clearly only “free-to-air”

under its legislative franchise”, saad ng TWG.

Paglabag din sa prangkisa ang paniningil ng ABS-CBN sa mga gustong manood sa kanilang Kapamilya Box Office

(KBO) at maging sa laban nina Sen. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., noong April 1, 2015 kahit pinagbawalan sila ng NTC.

SABWATAN

Nabuko rin ang pagsasabwatan ng ABS-CBN at Amcara para maipagpatuloy ng una ang kanilang pagbo-broadcast sa Channel 43 kahit napaso na ang prangkisa ng una noong Mayo 4, 2020 at inisyuhan ng NTC ng cease and desist order noong Mayo 5, 2020, sa pamamagitan ng TV Plus Box Technology.

“During the hearing on 29 June 2020, when confronted why ABS-CBN was still broadcasting its TV Plus Box channels through digital channel 43, ABS-CBN revealed that it has “assigned” to Amcara Broadcasting Network Incorporated (AMCARA) its right over Digital Channel 43, and that ABS-CBN was merely buying block-time from AMCARA to continuously air via said Digital Channel 43”, ayon sa resolusyon.

Dito na nagduda ang mga mambabatas dahil Ang Amcara na mayroong hiwalay na prangkisa na mapapaso na rin sa July 16, 2020 ay may 49% na share ang ABS-CBN at ang natitirang 51% ay nakapangalan kay Rodrigo Carandang.

Noong Enero 2019 ay ibinenta umano ng ABS-CBN ang kanilang share kay Carandang at ipinalabas na blocktimer na lamang ang mga ito pero imbes na 3 oras ay 21 oras kada araw ang inokupahan ng ABS-CBN.

Kasunod ito ng pagkakatuklas sa joint hearing na walang sariling transmitter ang Amcara at ang ginagamit na digital signal ay nagmumula sa compound ng ABS-CBN sa Mo. Ignacia St., Quezon City at ilan sa mga opisyales ng Amcara ay dating abogado ng ABS-CBN.

LABOR VIOLATORS

Isa sa mga binabatikos ng mga broadcaster ng ABS-CBN ay ang paglabag ng mga employer sa labor law lalo na ang endo scheme subalit natuklasan sa joint hearing ng Kamara na maging ang mga ito ay hindi sumusunod sa batas paggawa.

Mismong ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang nagsabi sa kanilang statement noong July 1, 2020 na natuklasan ng kanilang mga labor inspector na lumabag ang ABS-CBN sa labor law at labor standard at mayroon itong 67 pending case sa National Labor Relations Commission (NLRC) at iba’t ibang korte.

“ABS-CBN’s practices are less than exemplary,” ayon sa TWG Resolution matapos marinig mismo sa mga dating empleyado ng TV network ang kanilang hindi magandang karanasan sa kumpanya tulad ng hindi pagre-regular sa mga empleyado na nagtrabaho sa kanila ng 10 hanggang 20 taon.

Isa sa mga isinasangkalan ng ABS-CBN sa kanilang paghingi ng panibagong prangkisa ay ang mga empleyado na umaabot daw sa 11,071 subalit lumabas sa pagdinig na 2,661 lamang ang kanilang regular employees at lahat ay contractual na, ibig sabihin ay walang natatanggap na benepisyo mula sa Social Security System (SSS), PhilHealth, at Pag-IBig fund.

TAX AVOIDANCE

‘Mortal sin” din ang pag-iwas umano ng ABS-CBN sa pagbabayad ng tamang buwis na taliwas sa kanilang slogan na

“In the Service of the Filipino People”.

Itinayo ng pamilya Lopez ang Big Dipper na siyang magdi-distribute ng kanilang mga produkto sa telebisyon tulad ng teleserye sa ibang bansa para mapanood ng mga migranteng Filipino.

Pero imbes na gawing regular business ito ng mga Lopez sa Pilipinas ay inirehistro nila ito sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) kaya nagkaroon ito ng tax holidays at higit sa lahat, ay 5% tax na lamang ang kanilang binabayaran imbes na 30%.

Taon-taon ay hindi bababa sa P2.5 Billion ang kinikita ng Big Dipper mula sa mga kumpanyang pag-aari rin ng mga Lopez na itinayo sa Luxembourg, Cayman Island at Hungary at iba pang bang bansa sa mundo.

Sa mga kumpanyang ito sa mga nabanggit na bansa ay nagbabayad ang mga Filipino subscriber na siyang ire-remit naman ng mga ito sa Big Dipper.

Noong 2016, nagdeklara ang Big Dipper ng P2.62 Billion Revenue; P6.67 Billion noong 2017; P2.68 Billion noong 2018 at P2.6 Billion noong 2019.

Maliban noong 2016 na P1 Billion ang idineklara ng Big Dipper na dividend, hindi na ito bumaba sa P2 Billion sa mga sumunod na taon o mula 2017 hanggang 2019.

Subalit dahil 5% lang ang rate ng tax sa PEZA, nagbayad lang ng P131 million ang Big Dipper noong 2016, P133.5 Million noong 2017; P134.5 Million noong 2018 at P130 Million noong 2019.

Kung hindi inirehistro ng pamilya Lopez sa PEZA ang Big Dipper, ang dapat sana nilang binayarang buwis noong 2016 ay P786 Million; P801 Million noong 2017; P804 Million noong 2018 at P780 Million.

Nangangahulugan na nawalan ang sambayanang Filipino ng P2,642,5000,000 (P2.6 Billion) na buwis o nakaiwas ang pamilyang Lopez na bayaran ang halagang ito sa gobyerno.

Hindi rin maitatanggi na mas malaki at malawak ang ABS-CBN kesa sa kanilang numero unong karibal na GMA-7 subalit mula 2017 hanggang 2019, umaabot lamang sa P563.01 Million ang binayarang income tax ng ABS-CBN kumpara sa P3.13 Billion ng GMA-7.

May halong panlilinlang din ang palabas ng ABS-CBN nang sabihin nito na mula 2016 hanggang 2019 ay nagbayad ang mga ito ng P15.3 Billion na tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Subalit sa pagsusuri ng mga mambabatas, lumalabas na P1.3 Billion lamang ang galing sa pera ng ABS-CBN kasama na ang P757.6 Million na income tax ng mga ito noong 2016.

Malaking bahagi ng ipinagmamalaking P15.3 Billion na ni-remit ng ABS-CBN sa BIR sa nakaraang apat na taon ay mula sa withholding tax ng kanilang empleyado, value added tax (VAT) at iba pang buwis na sinisingil nila sa kanilang mga kliyente at sila lamang ang nagre-remit sa BIR.

Hindi rin mapalampas ng mga kongresista ang pagpasok ng ABS-CBN sa compromise agreement sa mga buwis na sinisingil sa kanila ng BIR kaya hindi buo ang tax na binayaran ng mga ito sa gobyerno.

POLITICAL MEDDLING

Nakikialam din umano ang ABS-CBN sa pulitika dahil binibigyan nila ng oras ang mga pinapaborang kandidato sa lahat ng kanilang programa bagay na hindi maibigay sa lahat ng kandidato.

Inihalimbawa ng TWG resolution ang pagpabor ng ABS-CBN kay Vice President Leni Robredo noong 2016 election kung saan ang interview nito sa umaga ay inilalabas sa lahat ng kanilang newscast.

“Vice President Leni Robredo was clearly favored when ABS-CBN aired her interviews during Umagang Kay Ganda, the noon-time report, the 6:30 p.m. news, and late evening news Bandila.

Other candidates did not have the same opportunity when their interviews only appeared in Bandila or Umagang Kay Ganda, which have significantly less ratings compared with the 6:30 pm news,” ayon pa sa report ng TWG.

Kapag hindi umano nila kursunada ang kandidato ay hinahanapan nila ng anggulo upang mapahiya ito tulad ng karanasan sa kanila ng runningmate ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Speaker

Alan Peter Cayetan sa isang vice presidential debate noong 2016.

Hindi rin naging patas ang ABS-CBN kay Pangulong Duterte dahil hindi inilabas ang kanyang political ads kahit bayad na ito at gusto pa nilang ilabas ang political ads ng kanyang kalabang si dating Sen. Antonio Trillanes IV upang sirain ito, bagay na napigilan lamang ng TRO na inilabas ng korte sa Taguig.

Patunay umano ito ng pagiging bias ng ABS-CBN dahil sa ganitong sistema at hindi rin umano binibigyan ng panahon ang kanilang mga binabanatan na sumagot.

Dahil dito, naglabas ng resolution ang TWG para ‘i-deny” ang aplikasyon ng panibagong prangkisa ng ABS-CBN na inayunan ng 70 congressmen at 11 lamang ang kumontra.

PRESS FREEDOM

Nilinaw naman ng TWG resolution na walang kinalaman ang press freedom sa pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN dahil tungkulin nilang tanggihan ang aplikasyon sa mga prangkisa kapag hindi ito nararapat ibigay ito sa aplikante tulad ng ABS-CBN.

“By no means can this franchise application be related to press freedom. If it were so, then all applicants for legislative franchises covering mass media could simply claim such freedom and force the hand of this Committee each time. Such a scenario is totally inconsistent with the nature of legislative franchises as a mere privilege and never a matter of right,” ayon sa TWG.
Ginawa marahil ng TWG ang nasabing konklusyon dahil sa alegasyon ng mga supporter ng ABS-CBN na ang pagpatay sa prangkisa ng ABS-CBN ay pagpatay rin sa kalayaan sa pamamahayag sa bansa.

(Ni BERNARD TAGUINOD)

322

Related posts

Leave a Comment