PAGLAGDA NI PDU30 SA RA No. 11480, SUPORTADO SA SENADO

IKINATUWA ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang paglagda ni Pangulong Duterte sa   Republic Act No. 11480, amending Section 3 of RA No. 7797, otherwise known as “An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) Days to Not More Than Two Hundred Twenty (220) Class Days.”

Sa pahayag, ipinaliwanag ni Go, chairman ng Senate committee on health and demography, na binibigyan ng kapangyarihan ng naturang batas si Pangulong Duterte na magtakda ng ibang araw ng pasukan alinsunod sa rekomendasyon ng Secretary of Education, sa pagbubukas ng klase kapag may idineklarang state of emergency tulad ng COVID-19 pandemic.

Mag-aaplay ang naturang deferred school opening sa lahat ng basic education school kabilang ang dayuhan at international school sa buong bansa.

“We will take this one step at a time so that we can protect the safety of our students. ‘Wag natin biglain. Let’s assess first what happens in the coming days. Kahit ayaw nating maantala ang klase nila, importanteng safe sila,” ayon kay Go.

Nagpahayag din ng suporta ang senador sa desisyon ni Pangulong Duterte na hindi nito papayagan ang face-to-face classes hangga’t walang bakuna pang natatagpuan sa COVID-19.

Ayon kay Go, walang siguradong pamamaraan na ligtas ang pagsasagawa ng physical classes matapos matunghayan ang ilang scientific evidence na nasa paligid at patuloy na kumakalat ang COVID-19.

Sinabi pa ni Go na dapat bigyang prayoridad ng awtoridad ang kaligtasan ng estudyante at guro habang tinutukoy kung ano ang alituntunin sa kalusugan at kaligtasan  at social distancing strategies na pinakamainam na gawin sa ating paaralan.

Habang gagamitin ng sistema ng edukasyon ang blended learning methods upang protektahan ang estudyante laban sa COVID-19, hinikayat ni Go ang Department of Education na epektibong ipaliwanag sa publiko ang action plan na tutugon sa pangangailangan ng Filipino bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.

Hinikayat din ni Go ang Department of Information and Communications Technology at iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahaalan na magkaisa upang matugunan ang bisyon sa pagbibigay ng universal internet access na matatag at murang halaga para sa lahat ng Filipino. (ESTONG REYES)

136

Related posts

Leave a Comment