PAGLILINIS NG ALULOD, DRAINAGE

ALULOD-1

NAGDEKLARA na nito lamang ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na opisyal nang panahon ng tag-ulan.

Isa sa mga pinoproblema natin ay ang alulod o rain gutter at drainage o im-burnal na nakakaranas ng pagbara kaya naroong nagreresulta ito ng mga pagbaha.

Ang unang dapat abangan ay ang magandang panahon lalo na kung maaraw. Sa-mantalahin habang walang ulan at linisan o palinisan ang inyong alulod at im-burnal.

ALULOD

Kadalasang bumabara sa alulod ay ang mga bato, mga dahon o mga tangkay mula sa mga puno, iba’t ibang basura, namuong dumi ng mga hayop tulad ng pusa, at iba pa. Minsan ang bara ay nawawala rin sa alulod pero ito naman ay naiipon sa tubo (downspouts) na nakadugtong dito.

Kailangang magkaroon ng regular na paglilinis dito kahit dalawang beses sa loob ng isang buwan. Pero kung prone ito sa mga pagbabara ng mga dahon o mga -sangang nalalaglag mula sa puno ay kailangang ang paglilinis ay mas dalasan pa.

Para maiwasan ang pagbara sa tubo ay maglagay ng screen sa alulod bilang filter o kaya ay leaf guards. May mga nabibili nito sa hardware na ilalagay na lamang o maaaring gumawa na lamang nito na mas matipid.

Piliin ang uri nito na plastic filter mesh para hindi kalawangin o hindi agad masira.

Mas makakatulong din kung babawasan ang mga tangkay at dahon sa inyong mga puno upang hindi ito maging sagabal sa function ng inyong mga alulod.

DRAINAGEDRAINAGE

Ang pagbara ng imburnal ay maaaring resulta ng mga basurang naririto mula sa mga bagay na yari sa plastic, sanitary products gaya ng wipes, tissues, at feminine pads. Posibleng magbara ito dahil sa mga buhok na naipon o kaya ang mga sebong namumuo rito, sabon, mga pagkaing natira, at maaari rin namang may tumutubong mga ugat dito na maaaring sa halaman o sa puno.

Gaya ng alulod, kailangang regular na minamantina ang kalinisan ng imburnal. Mas makabubuting ipalinis ito ng experienced o experts dito para masigurong matatanggal ang mga bara hanggang sa pinakamalalim na level nito. Matapos na malinisan ay dapat ding lagyan ito ng filter mesh o trench drain filters para maiiwas ang mga bagay na nagpapabara sa normal na takbo ng tubig dito.

1025

Related posts

Leave a Comment