PAGPAPALAYA SA ILANG PDLs HINILING

TINAWAG ni Senador Leila M. de Lima ang atensyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), upang isaalang-alang din ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na may mas mataas na peligro sa nakahahawang COVID-19 dahil sa sobrang pagsisiksikan sa mga kulungan sa bansa.

Sa kanyang sulat, sinabi ni De Lima sa United Nations Commissioner on Human Rights (UNCHR), ang World Health Organization ay hinikayat ang mga gobyerno na huwag kalimutan ang mga nasa likod ng piitan at protektahan ang mga nagtatrabaho sa mga saradong pasilidad.

“The current crisis situation gave rise to quarantine and social or physical distancing protocols to minimize, if not totally avoid, the transmission of COVID-19: maintain a distance of one meter to other people, regularly wash hands with soap and running water, wear face masks, disinfect living areas, and consult doctors if one experiences any of the known symptoms. These are practically luxuries that our PDLs cannot afford,” sabi nito.

“Given the state of our jails and prisons, the infection rate will be catastrophic.

We thus offer a solution: decongest our jails and prisons through a systematic release of qualified PDLs on humanitarian grounds,” dagdag ng senador.

Dahil sa pinaralisa ng COVID-19 ang maraming bansa sa buong mundo, maraming mga pamahalaan ang gumawa ng mga paraan upang palayain ang mga detenido. Inihalimbawa ni De Lima ang ginawa ng bansang Iran na pinalaya ang mahigit 85,000 prisoners at detainees dahil sa krisis dulot ng coronavirus.

Gayundin ang Indonesian government na nangakong palalayain ang nasa 30,000 prisoners upang maiwasan ang pagkahawa-hawa dulot ng nasabing virus.

At ang mga bansang United States of America, Canada, Germany, Britain, Poland, Italy, Sri Lanka, at Yemen, na ikinokonsiderang bawasan ang bilang ng mga preso.NOEL ABUEL

181

Related posts

Leave a Comment