(NI NOEL ABUEL)
SINISISI ni Senador Imee Marcos ang mabagal na pagpapatitulo ng lupa sa Marawi City kung kaya’t maraming residente nito ang nananatiling walang tirahan.
Ayon sa senador, hindi malayong mabalam ang rehabilitasyon hangga’t hindi kumikilos ang pamahalaan na maglabas ng plano para mapabilis ang pagpapatitulo ng lupa ng nasabing lugar.
Kasabay nito, pinakilos ni Marcos ang Department of National Defense (DND) na magpatupad ng comprehensive plan para matiyak na wala nang unexploded ordnances (UXOs) sa Marawi bago matapos ang buwan ng Oktubre,dalawang buwan matapos ang deadline nito noong Agosto.
“Habang nakatiwangwang ang siyudad eh nawawalang gana at nadidismaya ang mga kapatid nating Muslim,” sabi ni Marcos.
Ipinanukala nito na palitan ang Task Force Bangon Marawi na pinamumunuan ng kalihim ng National Housing Authority (NHA) ng Bangon Marawi Council na pamumunuan ng Pangulo.
“The President can declare that military reservation areas are no longer necessary for military use and that government land can be sold or awarded, Marcos explained, adding that rebuilding a ruined city may call for a new location,” aniya pa.
