PAGPAPATULOY NG F2F CLASSES IPINOPORMA NA

MAKIKIPAG-UGNAYAN si Metro Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos sa Department of Education para sa pagpapatuloy ng pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR) na inilagay sa Alert Level 2 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Makikipag-usap kami agad sa DepEd kasi importante ang edukasyon. Napakaganda na ng ating pilot face-to-face classes noong nakaraan,” ayon kay Abalos sa Laging Handa briefing.

Tinukoy ni Abalos ang mga panahon bago pa ipinatupad ang pagsuspinde sa in-person classes nang ang Kalakhang Maynila, epicenter ng pandemya, ay inilagay sa Alert Level 3 noong nakaraang Enero 2 hanggang katapusan ng kaparehong buwan sa gitna ng tumaas na bilang ng COVID-19 cases at pag-usbong ng mas nakahahawang Omicron variant.

“We will look into it and have a dialogue with Education Secretary Liling Briones and the rest of DepEd officials so we can resume out pilot face-to-face classes,” dagdag na pahayag ni Abalos.

Matatandaang, August 2021, naipakita sa education group poll na 66% hanggang 86% ng public school students ay bahagyang natuto sa remote learning set up  na ipinatupad dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang poll, isinagawa ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE Educ Movement) sa 1,299 public students sa iba’t ibang bansa, ay nagpahayag ng “highest percentage” ng mga bahagyang natuto sa ilalim ng remote learning na 86.7% na naitala sa hanay sa ilalim ng modular learning o iyong mga nag-aaral base sa printed modules.

Sa kabilang dako, 74% ng nasa ilalim ng blended learning (partly online, partly modular) ay nagpahayag na bahagya silang natuto kumpara sa pre-pandemic times.
Iyong mga nasa ilalim ng full online learning ay “66% ang nagsabing bahagya silang natuto”. (CHRISTIAN DALE)

308

Related posts

Leave a Comment