Magmula nag ito ay maitayo noong 1973, ang Meralco Industrial Engineering Services Corporation (MIESCOR) ay nakilala na sa mahusay at mataas na kalidad ng serbisyong hatid nito sa mga pinakamalalaki at pinaka-kilalang korporasyon sa bansa.
Magmula noon, ito ay naging bahagi na ng mahahalagang imprastraktura ng kuryente, renewable energy, gawaing elektromekanikal, pati na rin sa mga imprastraktura ng telekomunikasyon, at konstruksyon.
Nagsisilbing patunay dito ang ilan sa mga malalaking pangalang kabilang sa listahan ng mga kliyente ng MIESCOR tulad ng Manila Electric Company (Meralco), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), SMC Global Power, Aboitiz Power, AC Energy, ilang independent power producers, mga distribution utility, mga electric cooperative, at ilan sa pinakamalalaking kompanya ng telekomunikasyon sa bansa.
Katuwang ang higit 8,000 empleyado, ang MIESCOR ay naghahatid ng iba’t ibang uri ng serbisyo gaya ng engineering services, procurement, construction, operation, maintenance, distribution services, building works, testing and commissioning, building and facilities management, renovation and fit-out works, vehicle leasing, at fleet management.
Bilang testamento ng mataas na kalidad ng serbisyo ng MIESCOR, iginawad sa MIESCOR ang PCAB ‘AAAA’ na lisensya, na syang pinakamataas na kategoryang ipinagkakaloob ng Construction Industry Association of the Philippines (CIAP) para sa larangan ng General Engineering.
Samantala, ang mga sangay ng kompanya particular ang Miescor Builders, Inc. (MBI) ay ginawaran ng lisensyang PCAB ‘AAA’, samantalang ang Miescor Logistics, Inc. (MLI) naman ay may hawak na lisensyang PCAB ‘AA’. Maliban dito, mayroon ding tatlong sertipikasyon mula sa International Organization for Standardization (ISO) ang MIESCOR: ang ISO 9001:2015 para sa Quality Management Systems, ISO 14001:2004 para sa Environmental Management, at ISO 45001: 2018 para sa Occupational Safety and Health.
Ibinahagi ni MIESCOR President at Meralco Networks Head Ronnie L. Aperocho na mananatiling nakatuon ang kumpanya sa pagbibigay ng maaasahan, at world-class na end-to-end engineering services sa industriya ng enerhiya at telekomunikasyon para makatulong sa pag-unlad at mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino
Kaisa sa pagtataguyod ng elektripikasyon ng buong bansa
Sa kasalukuyan, ang MIESCOR ay mayroong nakapila na 29 na proyekto kaugnay ng paghahatid ng serbisyo ng koryente sa bansa. Ilan sa mga ito ang serbisyo para sa GN Power Dinginin, Mariveles Power ng SMC Global, at ang Alagao at Balagtas substation ng Meralco. Kabilang din ang mga proyektong pinaprayoridad ng NGCP gaya ng Mindanao Substation Upgrading Project, ang substation sa Mindanao Transmission Backbone Project, at ang substation project ng Cebu-Negros-Panay Stage III sa Visayas.
Kamakailan, iginawad sa MIESCOR ang mga engineering procurement at construction (EPC) projects ng SMC Global at Fort Pilar Energy Inc. para sa mga Battery Energy Storage System (BESS) interconnection facility project nito sa Laguna, Leyte, Cagayan de Oro, at Zamboanga.
Nakuha rin ng kompanya ang dalawang kontrata mula sa AC Energy para sa proyekto nitong 230kV transmission line sa Zambales ng Santa Cruz Solar Energy Inc. at ang substation sa Ilocos Norte ng Bayog Wind Power Corporation.
Kinuha rin ng Amber Kinetics ang serbisyo ng MIESCOR para sa flywheel project nito. Pangangasiwaan ng MIESCOR ang EPC ng flywheel testing area ng nasabing kompanya na siyang inaasahang magreresulta sa mas mataas na produksyon ng flywheel.
Patuloy ang MIESCOR sa paghahatid ng mahalagang serbisyo sa pagpapanatili ng mahusay na operasyon at maayos na mga pasilidad ng Meralco.
Pagpapabilis at pagpapahusay ng serbisyo ng internet sa Pilipinas
Bunsod ng pandemya, mas tumindi ang pangangailangan sa mahusay at maasahang serbisyo ng internet at at bahagi rin ang MIESCOR sa pagtugon sa pangangailagang ito. Ito ay naghahatid ng serbisyo ng disenyo, paggawa, pagkakabit, pagsasaayos, at maintenance para sa mga kompanya ng telekomunikasyon gaya ng PLDT, Globe, Converge, Radius, at Sky Cable.
Ilan sa mga serbisyo ng MIESCOR ay ang Fiber-to-the-Home Infrastructure/Optical Distribution Network at ang Subscriber Installation & Maintenance Service para sa Internet at IPTV service. Kabilang din ang paglalagay ng micro cell sites sa mga poste ng koryente at mga na-upgrade na streetlight.
Sa kasalukuyan, may nakapilang 29 na proyekto ang MIESCOR kaugnay ng paghahatid ng serbisyo ng kuryente sa bansa.
Patuloy na pagpapalago ng kompanya hanggang 2023
Bilang tugon sa epekto ng pandemya, naglatag ng medium-term na plano ang MIESCOR para sa taong 2021 hanggang 2023 na naglalayong makabangon at maitawid tungo sa paglago ng kompanya.
Ang pangunahing layunin ng MIESCOR ay ang Engineering Execution Excellence para sa nalalapit nitong ika-50 taon ng serbisyo sa 2023. Upang makamit ito, mas patatatagin ang kompanya sa pamamagitan ng patuloy na pagsuporta sa mga proyektong EPC ng Meralco kasabay ng mas pagpapaigting ng portfolio nito ng mga proyekto mula sa mga kliyente nito sa industriya ng koryente at telekomunikasyon.
Ayon kay MIESCOR President and Meralco Networks Head Ronnie L. Aperocho, “MIESCOR remains committed to providing dependable, reliable, and world-class end-to-end engineering services to power and telecommunications to propel growth, effect change, and improve the lives of every Filipino. This is a commitment we intend to operationalize as we forge ahead to meet the challenges of the new business environment.”
