PAGPILI NG BI CHIEF, WALANG PALAKASAN

INIHAYAG ng ilang empleyado ng Bureau of ­Immigration (BI) ang kanilang panawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magkaroon ng kahit acting Commissioner ang ahensya dahil hanggang sa kasalu­kuyan ay nananatiling officer in charge (OIC) ang namumuno rito.

Iginiit ng mga kawani ng ahensya na may limitasyon ang kapangyarihan ng OIC sa mga papeles na pinipirmahan ng mga ito na malaking kawalan anila sa maaaring kitain ng pamahalaan dahil patuloy na naka-pending ang ilang sensitibong papeles hanggang mayroon nang italaga ang pangulo bilang BI commissioner.

Samantala, Sinabi ni ­Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, ang basehan ng Marcos administration sa pagtatalaga at pagpili ng public managers ng gobyerno ay walang palakasan kahit pa bagyo ang backer ng mga ito mula sa political ­connections o maging endorso ng ­malalaking religious groups na lumang kalakaran na sa mga nagdaang administrasyon.

Ayon kay ES Rodriguez, mahalaga ang kakayahan na magampanan ang kanilang government functions bilang isang mamumuno sa isang ahensya ng pamahalaan na mayroong pagmamahal sa bansa at takot sa Diyos upang mas lalo pang mapalakas ang hangarin ng pamahalaan na labanan ang korapsyon.

Sa kabila na maraming front runner ang lumulutang na naging usap-usapan sa BI, karamihan sa mga ito’y fake news kaya’t hindi muna ­dapat mag-celebrate ang ilang matatakaw sa kapangyarihan hangga’t wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang.

Kamakailan, isang dating opisyal ng BI ang nagpakalat umano ng balita na 99% na makababalik at masusungkit nito ang puwesto bilang hepe ng BI matapos lapitan nito ang ilang malalaking pangalan sa pulitika kabilang si “Manong” ngunit sa kabila nito ay nabigo siya.

Ang nasabing opisyal ay nakakuha ng government position sa panahon ni PRRD matapos umanong suhulan ang isang malaking grupo ng halagang P10M na inutang pa nito sa isang negosyante at binawi sa pamamagitan ng korapsyon sa ahensya kung saan ay tinarahan umano nito ang ilang opisyales sa airport, at kikilan ng malaking halaga ang mga dayuhang dumadaan ang papeles sa ­kanyang tanggapan, ilang buwan pa lamang ito sa puwesto ay dinakip ng NBI ang ­kanyang tauhan dahil sa extortion.

Nakatanggap tayo ng sumbong mula sa Chinese community na isa umanong nagpapakilalang dating confidential agent ng BI na nasibak noon dahil sa katiwalian, ang nanghihingi ng financial support kapalit ang proteksyon sa kanila sakaling ito ay mapili bilang hepe ng ahensya.

Ito’y agad nating ipinarating kay ES Rodriguez upang maprotektahan ang pangulo laban sa mga mapagsa­mantala.

Isa ang BI ang hanggang ngayon ay masusing sinasala nina PBBM at ES Rodriguez kung sino ang nararapat sa posisyon upang maiwasan ang korapsyon sa pamahalaan.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

202

Related posts

Leave a Comment