NAKATAKDA nang repasuhin ni Senador Grace Poe ang Centenarian Law dahil hindi katanggap-tanggap na walang nakukuhang benepisyo ang pagpanaw ng mga sentenaryong lolo at lola alinsunod sa batas.
Sa pahayag, sinabi ni Poe, ikinokonsidera ng gobyerno ang pagrepaso sa proseso upang mapabilis at mapadali ang pamamahagi ng benepisyo sa ilalim ng batas sa matatandang hindi na gaanong makakilos sanhi ng edad at sitwasyon.
“Kailangan na makipag-ugnayan ang Department of Social Welfare and Development sa mga lokal na pamahalaan upang magkaroon ng talaan ng mga taong malapit nang mag-100 taon at matiyak na may sapat na pondo para sa kanilang mga claim,” ayon kay Poe.
Sinabi ni Poe na binibigyang halaga ng batas ang pagkakaroon ng mahabang buhay ng ating mga minamahal na sentenaryo, lalo na sa gitna ng ating laban kontra pandemya.
“Dapat natin silang igalang sa kanilang pagsusumikap na manatiling haligi ng kanilang mga pamilya at bukal ng karunungan ng ating mga komunidad,” aniya. (ESTONG REYES)
154 