PAGSABOG NG MT KANLAON POSIBLE, 13 LINDOL NAITALA

BUKOD sa Mount Bulusan, isa pang bulkan ang posibleng sumabog, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) makaraang magtala ng 13 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.

Sa impormasyong ibinahagi ng Phivolcs, agad na isinailalim na sa Alert Level 1 ang Bulkang Kanlaon sa Negros, kasama ang Mount Bulusan sa Sorsogon na walang humpay pa rin ang naitalang pagyanig ng lupa at pagbuga ng usok mula sa bunganga.

Anila, bukod sa mga volcanic earthquakes, kabilang din sa mga indikasyon ng posibleng pagputok ng Kanlaon ang pagsingaw ng usok at pamamaga ng bunganga ng bulkan.

Ayon pa sa Phivolcs na namataan din ang pag-angat ng usok sa bunganga ng bulkan at ang bahagyang pamamaga ng bulkan.

Paalala ng naturang ahensya sa publiko, iwasan lumapit sa four-kilometer radius na permanent danger zone, at maging ang paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan. (PAOLO SANTOS)

289

Related posts

Leave a Comment