PAGSIBAK SA PASAY POLICE CHIEF HINDI DAHIL SA POGO

pulis

(TRACY CABRERA)

NILINAW ni Pasay City Police chief Colonel Samuel Pabonita na kaya siya inilipat ng assignment ay dahil sa command responsibility sa isang shooting incident at hindi sa isyu ng patagong operasyon ng mga gerilyang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa lungsod.

Ayon kay Pabonita, ang kautusan ng kanyang pagkakaalis bilang hepe sa pulisya ng Pasay ay galing sa pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa barilang naganap sa Baclaran nitong nakaraang Pebrero 3 ng tayong kasalukuyan.

“As a commander, I am obliged to follow the directive,” pinunto niya sa panayam ng media.

Samantala, ilang mga residente ng lungsod ang nagsasabing sa kabila ng pagpupunyagi ng pamunuan ng Pasay sa ilalim ni mayora Imelda ‘Emi’ Calixto-Rubiano, nangangamba pa rin sila sa mga balitang patuloy pa rin ang kubling operasyon ng maliliit na POGO na gumagamit ng ligal na ng establisimento bilang front.

May mga ulat umano na ang mga POGO ay patuloy sa kanilang mga iligal na gawain tulad ng mga love scam, prostitusyon at human trafficking, at malaki ang pinapasuweldo sa mga nari-recruit nilang mga Pilipino kaya marami pa rin ang naloloko ng mga ito.

Bukod dito, may hinala pa rin na ang ilegal na operasyon ng POGO ay nagpapatuloy ng patago sa tulong ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan kaya malakas ang loob umano ng mga operator nito dahil may proteksyon sila sa mga tiwaling kawani ng pamahalaang lungsod.

Ang patuloy ba operasyon ng mga POGO ay kinumpirma ng ilang residente at mga source na nagsiwalat na ilan sa kanilang kamag-anakan ang nagsisipagtrabaho sa nga gerilyang POGO dahil na rin sa malaki ang kinikita nila mula rito.

24

Related posts

Leave a Comment