PAGSURI SA PUBLIC SCHOOL BUILDINGS, MUNGKAHI NG DEPED

GUSTONG rebisahin ni Department of Education Sec. Leonor Briones ang mga materyales na ginamit sa paggawa ng mga gusali ng mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Sec. Briones na base sa kanilang report ay lumalabas na pare-pareho ang naging sira ng mga public school building makaraan ang pananalasa ng mga nagdaang kalamidad.

Aniya pa, marahil ay kailangan na ring tingnan at suriing mabuti ang disenyo ng pagkakatayo ng mga gusali upang malaman kung pulido at de kalidad ba ang mga materyales na ginamit dito.

Taun-taon aniya ay mayroong mga sakuna na tumatama sa bansa kaya’t mas mabuti na ngayon pa lamang ay makita na kung ano ang mga dapat gawin para matiyak na matibay ang mga public school building sa bansa. (CHRISTIAN DALE)

303

Related posts

Leave a Comment