PAGTAAS NG UNEMPLOYMENT RATE IKINABABAHALA

NAKABABAHALA para kay Senador Sherwin Gatchalian ang pagtaas ng unemployment rate sa bansa na umabot sa 4.1% nitong Abril, sa kabila ng patuloy na pag-angat ng ekonomiya.

Ayon kay Gatchalian, ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ay nagpapakita ng lumalalang hamon sa pagkakaroon ng disenteng at matatag na hanapbuhay.

“Ang mas mataas na 4.1% na unemployment rate ngayong Abril ay repleksyon ng lumalalim na hirap ng mga Pilipino sa paghahanap ng maayos at matatag na trabaho, sa kabila ng sinasabing paglago ng ating ekonomiya,” pahayag ni Gatchalian.

Nanawagan si Gatchalian sa mga economic managers ng bansa na magpatupad ng mas epektibong mga hakbangin upang palakasin ang paglikha ng trabaho, lalo na sa mga industriyang may mataas na potensyal sa paglago.

“Hinihikayat ko ang ating economic managers na palakasin ang mga targeted interventions na magpapalago ng job creation, partikular sa mga sektor na mabilis ang paglago,” dagdag pa niya.

Bilang pangmatagalang solusyon, iginiit ni Gatchalian ang kahalagahan ng pamumuhunan sa mga programa para sa skills training at re-skilling upang maihanda ang mga manggagawang Pilipino sa pabago-bagong pangangailangan ng merkado.

“Walang saysay ang pag-angat ng ekonomiya kung maraming Pilipino ang wala pa ring trabaho. Ang disenteng hanapbuhay ay isang karapatan na dapat tinutugunan ng pamahalaan,” pagtatapos ni Gatchalian.

(Dang Samson-Garcia)

3

Related posts

Leave a Comment