MULING nagpahayag ng pagkadismaya ni Senator Win Gatchalian nang matuklasan ng Department of Education (DepEd) na may 1,000 silid-aralan na itinayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang hindi magamit.
“Nakakagalit na matuklasan ito sa gitna ng matinding kakulangan sa classroom at mga ulat ng malawakang korapsyon sa mga infrastructure projects ng pamahalaan,” saad ni Gatchalian.
“These findings affirm the direction we plan to take: the DPWH will no longer have the sole authority to build classrooms,” giit pa niya.
Binigyang-diin ng senador na sa gitna ng lumalalang kakulangan ng silid-aralan, dapat tiyakin na ang pondo para sa edukasyon ay nagagamit nang maayos at napapakinabangan ng mga mag-aaral.
“Moving forward, we will ensure that DepEd will be able to tap different modalities to promote efficient spending and guarantee classrooms that truly serve our learners,” dagdag pa ni Gatchalian, na nangakong magsusulong ng mga reporma upang hindi na maulit ang ganitong mga pagkukulang.
Layunin ng hakbang na ito na mas mapabilis ang pagpapatayo ng mga de-kalidad na silid-aralan at maiwasan ang mga proyekto na nauuwi sa pagkasayang ng pondo at oras.
(DANG SAMSON-GARCIA)
