PAGTATAYO NG MODULAR HOSPITALS, ICU BEDS PRAYORIDAD NG GOBYERNO

MAS pinagtutuunan ngayon ng pansin ng gobyerno ang pagtatayo pa ng mas maraming modular hospitals at ICU beds.

Ayon kay testing czar Sec. Vince Dizon, mahalagang iprayoridad ang pagdadagdag ng critical care beds dahil ito talaga aniya ang kinakailangan ng bansa lalo na sa mga pagkakataong mabilis na tumataas ang COVID-19 cases.

Nauna nang sinabi nito na sa ngayon bumaba na sa 70% Ang virus cases sa bansa mula sa 82% noong nakaraang linggo.

Sinabi pa nito na isa sa pangunahing dahilan nito ang pagdami ng modular hospitals at critical care beds.

Subalit, sinabi ni Dizon na ongoing pa rin ang pagdadagdag ng gobyerno ng mga kinakailangang quarantine o isolation facilities. (CHRISTIAN DALE)

124

Related posts

Leave a Comment