TINIYAK ng Department of Health (DoH) na hindi magkakaroon ng aberya sa pagbyahe ng COVID-19 vaccines patungo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) mula sa pagdating nito sa paliparan.
Sa laging handa briefing, sinabi ni DOH Director Ariel Valencia na mayroon nang mga inilatag na contingency plan ang gobyerno ukol sa kung papaano iha-handle ang bakuna na inaasahang darating na sa bansa sa mga susunod na araw.
Sa katunayan ani Valencia ay sumailalim na sa special training ang mga cold chain manager, supply officers at mga pharmacist para sa tamang paghawak at pag-aalaga ng bakuna.
Bukod dito ay nagsagawa na rin aniya ng simulation o exercises ang mga kinauukulan upang mapaghandaan na kung maaari ay walang masyadong movement mula sa pagbababa ng vaccines hanggang sa mailagay ito sa freezer van.
Habang ang mga security group naman ani Valencia na pangungunahan ng PNP at MMDA, ang magbibigay katiyakan na magiging ligtas at hindi maaabala ang pagbyahe ng freezer van mga patungo sa RITM at iba’t ibang ospital. (CHRISTIAN DALE)
238 