PAKIKIRAMAY BUMUHOS SA PAGYAO NI DANDING COJUANGCO

NAGPAHAYAG ng kanilang pakikiramay ang iba’t ibang sektor sa pagpanaw ng kilalang negosyante na si Eduardo “Danding” Murphy Cojuangco, Jr.

Ayon sa ulat, binawian ng buhay si Danding sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig kagabi.
Sinasabing matagal nang iniinda ng 85-anyos na negosyante ang lung cancer.

Si Danding ay dating chairman at CEO ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking food and beverage company sa Southeast Asia.

Dati siyang naging ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos at dating governor ng Tarlac.

Si Danding ay naging chairman emeritus ng Nationalist People’s Coalition (NPC) at naging founder ng partido noong 1992.

Ito rin ang naging tulay niya para kumandidato noong 1992 presidential elections pero natalo kay Fidel V. Ramos.

Nakilala rin si Danding bilang sports patron sa kanyang pagsuporta sa larangan ng basketball sa bansa. SAKSI NEWS TEAM

335

Related posts

Leave a Comment