PALARONG PAMBANSA KINANSELA

NAGDESISYON ang Department of Education (DepEd) na kanselahin ang Palarong Pambansa dahil sa novel corona virus.

Ipinaalam ito ni Education secretary Leonor Briones sa kasagsagan ng Senate inquiry kaugnay sa 2019-nCov, Martes.

Maging ang ibang education-related events kung saan maraming tao ang inaasahang pupunta ay kanselado na rin, ayon kay Briones.

“If you take Palaro, you take 30,000 learners as well as parents and grandparents attending. And we have been advised to take care with exposing our children to public places. So right now, the policy is temporary postponement of all these activities,” sabi ng DepEd secretary.

Gaganapin sana ang 2020 Palaro sa Marikina matapos na tumanggi ang orihinal na host Mindoro, na matinding nasalanta ng bagyong Tisoy noong nakaraang taon.

Wala pang katiyakan kung matutuloy pa ngayong taon ang Palarong Pambansa, na kadalasang ginaganap sa buwan ng Abril.

519

Related posts

Leave a Comment