PALAWAN AT BASILAN INALERTO SA LONG MARCH 8A ROCKET LAUNCH NG CHINA

NAKA-high alert sa ngayon ang Palawan at Basilan dahil sa posibleng pagbagsak sa kanilang lugar ang inilunsad na Long March 8A rocket ng People’s Republic of China mula Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan province.

Kaugnay nito, naglabas ng kanilang advisory ang Office of Civil Defense (OCD) na tumutukoy sa tatlong lugar na maaaring bagsakan ng mga debris mula sa pinakawalang rocket, kabilang dito ang 85 nautical miles mula Rozul Reef, 40 nautical miles mula Puerto Princesa sa Palawan at approximately 33 nautical miles mula Hadji Muhtamad sa Basilan.

Ayon kay kay of OCD deputy administrator for Operations director Cesar Idio, nag-isyu na ng Memorandum Order 35 ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa ngalan ng executive director nitong si Undersecretary Ariel Nepomuceno para hilingin sa Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources–National Mapping and Resource Information Authority (DENR-NAMRIA) na magpatupad ng mga temporary restriction at gayun din ng mga Notice to Mariners, Coastal Navigational Warnings, or NAVAREA XI warning sa nabanggit na mga identified drop zone.

Masusing binabantayan naman ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils (RDRRMCs) sa MIMAROPA at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang sitwasyon.

Nagbabala din ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa publiko na huwag lapitan o subukang kunin ang anumang debris, na maaaring mayroong mga nakakalasong kemikal o bagay. (JESSE KABEL RUIZ)

4

Related posts

Leave a Comment