Palihim na ginagawa sa mga hotel PROBE SA COVID-19 VACCINATION SA BINONDO

INATASAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pamunuan ng Manila Police District, Manila Health Department at Buteau of Permits, sa loob ng 48-oras na alamin at tukuyin ang ulat na may nangyayaring hindi awtorisadong pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa Binondo, Manila.

Nagpalabas ng memorandm ang alkalde kasunod ng ibinulgar ng radio anchor na si Arnold Clavio na may nangyayaring hindi awtorisadong COVID-19 vaccination sa nabanggit na lugar.

Inatasan ng alkalde si Dr. Arnold “Poks” Pangan, hepe ng MHD; BOP OIC Levy Facundo at MPD Director P/Brigadier General Leo Francisco na imbestigahan at magsagawa ng case build-up sa madidiskubreng mga kasangkot sa ilegal na pagbabakuna.

Ayon sa ulat ni Clavio, dinadala umano sa mga motel o hotel sa Binondo ang mga nagnanais na maturukan ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ng alkalde, ilegal ang ginagawang pagbabakuna dahil nasa pag-uusap pa lamang ang national government at pharmaceutical companies na pagmumulan ng COVID-19 vaccine.

Aniya, sa sandaling matagpuan ang mga nagsasagawa ng hindi awtorisadong pagbabakuna ay kaagad sasampahan ang mga ito ng kasong kriminal.

Mapanganib umano ang pagbabakuna nang walang opisyal na pagsang-ayon ang gobyerno. (RENE CRISOSTOMO)

135

Related posts

Leave a Comment