PAMILYA NILOOBAN NG GAPOS GANG

QUEZON – Pinasok ng dalawang hindi kilalang suspek ang isang bahay sa bayan ng Calauag at iginapos ang limang nakatira kabilang ang dalawang kasambahay, noong Lunes ng umaga.

Batay sa report ng Calauag Police, dakong alas-6:00 ng umaga, biglang pumasok ang dalawang armado ng baril sa bahay ng 52-anyos na negosyanteng si Bienvenida Rosas sa Brgy. Poblacion 4.

Iginapos ng mga suspek ang ginang at ang dalawang anak nito gayundin ang dumating na mga kasambahay na sina Jenalyn Agapay, 34, at Jackielyn Ardevela, 25.

Kinulimbat ng mga suspek ang mga alahas na P600,000 ang halaga, P7,000 cash, ATM card, 6 unit ng cellphone, 2 ipad, .32 caliber revolver ng ginang, at susi ng sasakyan ng pamilya saka mabilis na tumakas. (NILOU DEL CARMEN)

205

Related posts

Leave a Comment