PAMPANGA MAYOR BINITBIT SA EXTORTION

SUMALANG na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) kahapon ang alkalde ng San Simon, Pampanga na umano’y nasakote sa extortion na halagang P80 milyon.

Kasama ang National Bureau of Investigation (NBI), dumating sa DOJ pasado alas-5 ng hapon si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “JP” Punsalan Jr. para sumailalim sa inquest proceedings.

Ito’y matapos maaresto ng NBI ang alkalde at ang umano’y mga kasabwat nito sa isang restaurant sa Clark, Angeles, Pampanga nitong Martes, Agosto 5, 2025 matapos silang maaktuhang tumatanggap ng suhol.

Batay sa reklamo, humingi umano si Punsalan ng 80 milyong piso bilang kabayaran kapalit ng isang paborableng resolusyon mula sa lokal na pamahalaan.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mayor at iba pa.

(JULIET PACOT)

227

Related posts

Leave a Comment