NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Department of Information and Communications Technology
(DICT) Secretary Gregorio Honasan sa kakayahan ng third telco Dito Telecommunity Corp. na
makumpleto ang rollout program nito bago sumapit ang Hulyo 2020.
Pinangangambahang maaantala ang commercial operations ng DITO, dating Mislatel Consortium,
dahil sa kumplikadong proseso nang pagkuha ng permit para sa pagtatayo ng mga cell tower.
Ayon kay Honasan, nag-aalala ang DICT sa kakayahan ng Dito na matupad ang pangako nito
dahil limang buwan na lamang ay Hulyo na.
Ilang mambabatas ang nagpahayag na rin ng pagdududa sa kapasidad ng Dito na tuparin ang
pangako nitong pagkakaroon ng 2,500 cell sites pagsapit ng Hulyo 2020.
Hiniling ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro, miyembro ng Makabayan bloc, sa
Kongreso na ipatawag ang mga opisyal ng DICT at Dito para imbestigahan ang bagay na ito.
“Kailangang mag-report ‘yung Dito telco sa Congress kung saan na ba (‘yung cellsite niya)?
Pero I don’t think so na magagawa na nila ‘yung 2,500 na mga cell site. Ito dapat maimbestigahan
ito ng Congress. Iyong talagang seryoso ba ito, may kakayahan ba ito?” anang party-list
lawmaker.
Subalit agad na pinawi ng third telco player ang pangamba na maaantala ang kanilang network
rollout, at tiniyak sa publiko na may kakayahan silang tuparin ang kanilang mga pangako bilang
bagong major telecommunications player.
“There is no truth to reports that the much anticipated roll-out of Dito Telecommunity will be delayed
due to issues regarding permits,” pahayag ng Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corp.,
isa sa mga kompanya na bahagi ng Dito.
Tinanggap ng Dito, isang consortium na binubuo ng state-owned China Telecom at ng Udenna
Corp. at Chelsea ni Dennis Uy, ang certificate of public convenience and necessity nito mula sa
National Telecommunications Commission (NTC) noong Hulyo 2019 para mag-operate bilang
third major telco ng bansa.
Ang 2,500 cell sites ay magbibigay-serbisyo sa 37 percent ng populasyon ng bansa at
Magkakaloob ng internet speed na hindi bababa sa 27 mbps per second.
Matagal nang problema ng industry providers ang hirap sa pagtatayo ng telco infrastructure dahil
sa pagkuha ng multiple LGU permits para sa isang cell site lamang, na umaabot ng walong
buwan ang proseso.
Ang kumplikadong permit applications na ito ay maaaring maging sanhi ng lalo pang pagkaantala
ng konstruksiyon ng 2,500 cell sites ng Dito. Saksi Editorial Team
208
