PANGGIGIPIT NG CHINA SA MGA PINOY SA WPS, PULITIKA ANG DAHILAN?

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS

LALO pang nagiging masigasig ang China sa pagpapakita ng kanilang mga barko sa karagatan na nasasakupan ng Pilipinas, partikular sa West Philippine Sea.

Noong nakaraang Biyernes ng umaga, isang barkong pang-giyera ng People’s Republic of China ang lumapit sa Panata Island na sakop ng Pilipinas na bahagi ng West Philippine Sea (WPS), na binabantayan ng Philippine Navy.

Namataan ng PH Navy ang Ma’anshan Jiangkai II-class frigate ng People’s Liberation Army (PLA)-Navy na mayroong bow no. 525, sa karagatan ng WPS, habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang PH Navy sa bahaging ito ng WPS.

Nasa layong 4.6 nautical miles ang distansya nito mula sa BRP Andres Bonifacio na siyang gamit ng PH Navy sa kanilang maritime patrols, nang mamataan ito bandang alas-7:40 ng umaga noong Biyernes.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office (PAO) chief, Col. Xerxes Trinidad, umabot sa tatlong beses ang ibinigay na warning signal sa naturang warship sa pamamagitan ng isang radio challenge, na pagpapakita aniya ng matibay na paninindigan ng kanilang hanay na protektahan ang soberanya at ang exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Sinasabing nag-isyu ng radio challenge ang Hukbong Dagat ng Pilipinas sa Chinese warship, subalit umabot muna ng 13 minuto bago tumugon ang Chinese intruder.

Ang AFP ay nagsagawa ng three-day “symbolic” maritime patrol sa mga islang okupado ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group, simula noong Martes.

Sa kasalukuyan, patuloy na minamatyagan ng AFP ang naturang warship habang patuloy na nagsasagawa ng maritime patrols sa Kalayaan Group of Islands.

Ang ginagawang ito ng China ay nagpapakita na hindi nila inirerespeto ang gobyerno ng Pilipinas at nagpapatuloy na iginigiit nila na ang malawak na karagatan ng WPS ay pag-aari nila.

Dahil sa pangyayaring ito, marami ang nagtatanong kung bakit ngayon sa ilalim ng PBBM administration, ay nagiging madalas ang pagpapakita ng mga barko ng China sa karagatan na sakop ng Pilipinas.

May kinalaman ba ito kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Bongbong Marcos, Jr.? Dati sa panahon ni FRRD ay hindi nangyayari ang panggigipit sa mga Pilipino sa mga mangingisda man o mga kagawad ng militar sa WPS.

Magkaiba raw kasi ang pananaw nina Pangulong Marcos at dating Pangulong Duterte, si PBBM ay may mas malapit sa Amerika kaysa sa China, samantalang si FPRRD ay pinanindigan niya ang tinatawag na Independent Policy o balanseng pagtrato sa iba’t ibang mga bansa.

oOo

Binabati pala natin sina Col. Aldrine Thompson, chief of police ng Hagonoy PNP, at Col. Jayson Dela Cruz, chief of police ng Baliwag PNP, sa pagkakahuli sa suspek sa nangyaring hit and run noong nakaraang Linggo.

Isa na naman itong accomplishment kina Col. Thompson at Col. Delacruz, I salute you, mga sir!

oOo

Para sa inyong katanungan, maaari po kayong mag-text o tumawag sa cell# 0917-861-0106.

5

Related posts

Leave a Comment