Panibagong 6 buwan sa buhay ng VFA PANABLA SA CHINA

PANABLA ng Pilipinas ang panibagong anim na buwan sa buhay ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa usapin sa West Philippine Sea (WPS) na patuloy na inaangkin at sinasakop ng China.

Ito ang paglalarawan ni House committee on national defense and security vice chairman Rep. Ruffy Biazon, matapos palawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buhay ng VFA.

“This is significant in the light of the issues in the South Sea/West Philippine Sea involving Philippine interests,” ani Biazon.

Unang pina-terminate ni Duterte ang VFA noong Pebrero 2020 matapos kanselahin ng Estados Unidos ang US Visa ng kanyang dating Chief PNP (Philippine National Police) na si Senator Ronald “Bato’ Dela Rosa.

Nakansela ang US Visa ni Dela Rosa dahil sa anti-drug war na ikinamatay ng libu-libo katao sa ilalim ng Oplan Tokhang na ikinasa nang maging hepe siya ng pambansang pulisya.

Hindi ito nagustuhan ni Duterte kaya pina-terminate nito ang VFA subalit bago sumapit ang pagpapawalambisa sa kasunduan ay pinalawig niya ito ng tig-anim na buwan mula noong 2020.

Sinabi ni Biazon na malayang makakakilos ang puwersa ng Amerika sa panibagong anim na buwan sa buhay ng VFA na mahalaga aniya para sa interes ng Pilipinas sa WPS.

“The US is expected to actively move in the region due to their Free and Open Indo-Pacific Strategy in the years to come, so our engagement with them has strategic importance,” ayon sa mambabatas.

Bukod dito, lalong magkakaroon ng sapat na panahon sa mas malawak na ebalwasyon sa kahalagahan ng nasabing military agreement ng dalawang bansa lalo na sa Pilipinas.

“It is a prudent decision on the part of the president, which will give a chance for the PH-US security partnership to continue and hopefully improve,” ayon pa sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

83

Related posts

Leave a Comment