MULING nakarekober ang mga awtoridad ng panibagong hinihinalang buto ng tao sa Taal Lake kaugnay ng kontrobersyal na kaso ng mga nawawalang sabungero.
Natuklasan ang mga ito habang nagpapatuloy ang search and retrieval operations para sa mga sabungerong umano’y itinapon sa lawa ilang taon na ang nakalilipas.
Ayon kay Atty. Polo Martinez, tagapagsalita ng Department of Justice, nakuha mula sa lawa ang isang net at tatlong sako na naglalaman ng tatlong hinihinalang buto ng tao at itim na buhangin.
Itinurn-over na sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga narekober na buto, na kasalukuyang nasa kustodiya ng Regional Forensic Unit–Cavite at CIDG Batangas para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.
Mula nang simulan ang pagsisid noong kalagitnaan ng Hulyo, daan-daang piraso ng buto ang narekober, kabilang ang 57 karagdagang piraso na naitala hanggang noong nakaraang linggo.
(JULIET PACOT)
17
