MULING magtataas ng presyo ang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy.
Batay sa pagtataya ng Oil Industry Management Bureau, maaaring tumaas ng humigit-kumulang P0.10 kada litro ang gasolina, P0.85 sa diesel, at P0.45 naman sa kerosene.
Ayon sa DoE, ilan sa mga dahilan na nakaaapekto sa inaasahang pagtaas ng presyo ang masamang panahon sa Estados Unidos, mga insidente ng sunog at power issues sa Kazakhstan, patuloy na risk premium kaugnay ng Iran, at ang desisyon ng OPEC+ na ihinto ang pagtaas ng oil output.
Sinabi ng ahensya na patuloy nilang minomonitor ang galaw ng pandaigdigang merkado upang mabigyan ng sapat na abiso ang publiko.
(CHAI JULIAN)
11
