PANUKALA NI ISKO IPAUBAYA SA EKSPERTO

IPINAUBAYA na ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos sa mga eksperto ang naging panukala ni Manila Mayor Isko Moreno na ikonsidera kung kailangan pa bang gumamit ng face shield ng publiko para proteksiyunan ang sarili laban sa COVID-19.

Ayon kasi kay Mayor Isko, sapat na ang proteksiyong hatid ng face mask laban sa COVID-19 at hindi na kailangan ang face shield.

Ani Abalos sa isang panayam, maganda ang ideya ni Mayor Isko subalit dapat talagang suriin at pag-aralang mabuti dahil “at any given time” ay puwedeng pumutok ang bagong variants ng COVID-19.

“Iyong kay Isko, iyong kanyang idea is a valid idea, noh? it could be, puwedeng i-explore. Pero kung ako ang tatanungin ninyo, i will leave that to the experts,” aniya pa rin.

Matatandaan aniya na noong magsimula ang pandemiya ay may sinasabi na “there’s a certain percentage of safety” .

Kung naka-mask aniya ang isang tao “at any given time” ay mayroong percentage na ligtas ito mula sa infections subalit kapag nakasuot ng face shield bukod sa face mask ay mas doble aniya ang proteksyon.

Idagdag pa aniya riyan ang social distancing kung saan ay 99% ang magiging proteksyon ng tao mula sa covid 19.

Naniniwala si Abalos na mayroong kaukulang lugar na kailangan na naka-face shield at ito aniya ay ang mga ospital lalo na ang mga nurses, doktor at mga pasyente na pupunta ng ospital.

Sa kabilang dako, umapela rin si Senator Christopher Bong Go sa publiko na hintayin ang magiging rekomendasyon ng health experts hinggil sa mga ipinatutupad na restrictions.

Samantala, isa pa sa nais itanong ni Abalos sa mga eksperto ay kung puwede na bang tanggalin ang face shield sa mga public utility vehicle (PUVs) gaya ng mga pampasaherong jeepney. (CHRISTIAN DALE)

100

Related posts

Leave a Comment