NAGPAPASAKLOLO na kay Pangulong Rodrigo ang Public Attorneys Office (PAO) dahil sa planong pagpapa-abolish ni Senador Franklin Drilon sa kanilang Forensic Laboratory Division.
Halos mangiyak-ngiyak si PAO chief Persida Rueda-Acosta, habang sinasabi niya sa interview sa kanya ng mga taga media ang kanyang sama ng loob kina Senators Franklin Drilon at Sonny Angara.
Sino nga naman ang hindi magbubulalas ng sama ng loob? Pinaa-abolish ba naman ni Sen. Drilon ang Forensic Division ng PAO.
Sinang-ayunan pa ni Senator Sonny Angara, chair ng Finance Committee ng Senado ang plano ni Drilon.
Ayon kay Acosta, gumawa raw ng insertion sa 2021 budget itong si Drilon na nagresulta para maalisan ng budget ang Forensic Laboratory Division ng PAO.
“Unsconstitutional, illegal abritrary, and oppressive insertion, ang ginawa ni Sen.Drilon sa 2021 Budget na inaalisan niya ng pondo o ina-abolish na ang PAO Forensic Laboratory Division”, ani Acosta.
Nakalagay raw sa isiningit ni Drilon na ‘nothing in the appropriation providing this act shall use on the salaries compensation of personnel travel allowance meetings maintenance and other operating expenses of the PAO forensic laboratory division’.
Sinabi pa ni PAO Acosta na ang pinaa-abolish niyang (Drilon) opisina ay mga naka-plantilla na permanente ang doctors, nurses, dentists, at medtech na mga nakatalaga.
Ito ay ‘oppression, grave abuse of authority’, sa mga permanteng empleyado na aalisan ng suweldo, opisina, mga gamit sa kanilang trabaho.
“Malinaw na oppressive, cruelty, excessive use of authority, saan ka makakakita ng nagtatrabaho ay walang sweldo at walang opisina?,” banggit pa ni Acosta.
Sinabi pa ni Acosta na ang planong pag-abolish nina Drilon at Angara sa Forensic Laboratory Division ng PAO ay pagsira sa tiwala kay Pangulong Duterte sa labing anim na milyong (16M) Pilipino na bumuto sa kanya noong 2016 election.
Ang pinagsisilbihan kasi ng PAO Forensic Laboratory Division ay mga ordinaryong mamamayan na walang pambayad.
Ayon pa kay PAO Acosta, labing tatlong milyong (13M) Pilipino na mahihirap ang umaasa sa serbisyo ng kanilang medical team.
Naglabas din ng hinanakit si Dr. Erwin Erfe ng PAO Forensic Laboratory Division kina Drilon at Angara.
Ayon sa kanya, sa halip na tulungan sila na madagdagan sila ng mga abugado ay lalo pa silang ginigipit ng dalawang senador.
“Ang katulad nilang mga mambabatas na ibinoto ng taumbayan ay dapat mawala na sa kanilang serbisyo”, dagdag pa ni Dr. Erfe.
Kamakailan sa isinagawang Senate finance sub-committee hearing ng panukalang budget ng Department of Justice (DOJ) mother department ng PAO na ang nasabing pagbuo ng PAO forensic
laboratory ay “unauthorized” at isang “clear duplication” ng functions sa ginagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).
Kaya pinaalis na ni Drilon na ang budget na P19.5-M ng forensic laboratory ng PAO at inilipat sa ibang ahensiya ng gobyerno.
Kaya naniniwala si Acosta na ang ginawang hakbang na ito nina Drilon at Angara ay isang pagsira sa administrasyon ni Pangulong Duterte para magalit sa gobyerno ang taumbayan na umaasa sa serbisyo ng PAO forensic laboratory.
Partikular na binanggit ni Acosta na naserbisyuhan ng PAO forensic laboratory ay napakaraming naturukan ng makontrobsersyal na dengvaxia.
Kaya ginawa ng PAO ay sumulat na sila mismo kay Pangulong Duterte para hilingin na i-veto ang nasabing insertion na ginawa ni Drilon sa 2021 budget ng bansa.
Ipinunto rin ni Acosta na kung ang usapin ng Forensic Laboratory ng PAO ay duplication, bakit naman daw ang Commissioner on Human Rights (CHR) na mayroon ding forensic team ay hindi nila inaalis? Nasa 320 milyong piso pa ang budget nito.
Kaya sa mga susunod na eleksyon ay mararamdaman daw ng dalawang senador ang galit sa kanila ng taumbayan na inalisan nila ng libreng serbisyo ng forensic ng PAO.
Si Sen. Angara ay nasa partido na ng Hugpong ng Pagbabago ni Inday Sara Duterte-Carpio matapos tumawid sa bakuran mula sa grupo ni Drilon (dilawan).
Umaasa ang taumbayan na lahat ng ikabubuti ng mamamayan na ginagawa ni Pangulong Duterte ay susuportahan ni Sen. Angara, pero hindi ito ginagawa ng senador.
Kaya dismayado raw ngayon ang supporters ni Pangulong Duterte lalo na ang tinatawag na ‘DDS’.
Ang dami raw dapat gawin ni Angara na makabubuti sa taumbayan, sinang-ayunan pa nito ang gusto ni Drilon na ma-abolish ang forensic laboratory division ng PAO.
Ganunpaman malakas ang paniwala ng taumbayan kay Pangulong Duterte na ibi-veto nito ang insertion ni Drilon sa probisyon ng 2021 budget na naglalayong alisan ng pondo ang PAO forensic team.
Sabi nga ni PAO Acosta umaasa sila kay Pangulong Duterte na hindi nito pagkakaitan ang mga ordinaryong mamamayan ng pagkakaroon ng libreng forensic laboratory.
Hindi kaya ang dahilan ng planong pag-abolish ng PAO forensic team ay ang isyu ng dengvaxia?
Sa sunod talakayin natin ang usapin sa dengvaxia…
Sinikap natin na makuha ang panig ng dalawang senador subalit hindi natin sila makontak.
Para sa suhestiyon at reaksyong mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.
