FIRST TIME SA KASAYSAYAN

DPA Ni BERNARD TAGUINOD

FIRST time sa kasaysayan ng Kongreso ng Pilipinas na nagkaroon ng 32 deputy speaker. Actually sa totoong bilang 31 pa lang dahil si Las Pinas Rep. Camille Villar ay ­unang tumanggi sa nasabing posisyon pero isinasama pa rin siya sa list of deputy speakers.

Noong una, tatlo pa ang deputy speakers sa Kamara na kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Kung baga sila ang tulay ng mga mambabatas sa Luzon, Visayas at Mindanao sa House
Speaker.

Nang tangkain ng Kongreso na amyendahan ang Saligang Batas para palitan ang sistema ng gobyerno mula presidential form tungo sa parliamentary form of government, naglagay sila ng 12 Deputy Speaker na kumakalatawan sa mga mambabatas mula sa 12 parliament.

Hindi natuloy ang charter change dahil nagdududa ang mga tao na kaya aamyendahan ang Saligang Batas ay para hindi na mawala sa kapangyarihan ang lahat ng mga pulitiko sa bansa na nakaupo ngayon dahil mawawala na ang term limits at madadagdagan pa ang taon ng kanilang panunungkulan dahil gagawin na itong 5 taon mula sa kasalukuyang 3 taon.

Pagpasok ng Duterte administration at ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano, ginawang 22 ang deputy para pagbigyan ang kapritso ng mga political parties na naki-alyansa sa admin party upang hindi sila kumalas.

Pero nang maging Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, parang hindi pa kontento 22 deputy speaker kaya dinagdagan pa niya ito ng 10 na kauna-unahan sa kasaysayan ng Kongreso.
Bukod dito aty mayroon pang 15 bagong appointees habang ang 4 sa dating mga deputy speaker ay sinibak para ipalit ang mga bata niya.

Kabilang sa nabibiyayaan ng nasabing puwesto sina Rufus Rodriguez, Cagayan de Oro City 2nd District; Arnolfo “Arnie” Teves Jr, Negros Oriental 3rd District; Juan Pablo “Rimpy” Bondoc,

Pampanga 4th District; Eric Martinez, Valenzuela City 2nd District; Bernadette Herrera Dy, Bagong Henerasyon; Kristine Singson Meehan, Ilocos Sur 2nd District; Divina Grace Yu, Zamboanga

del Sur 1st District; Rogelio “Ruel” Pacquiao, Sarangani; Weslie Gatchalian, Valenzuela City 1st District; Bienvenido Abante Jr, Manila 6th District;  Strike Revilla, Cavite 2nd District; Isidro “Sid” Ungab, Davao City 3rd District at  Abraham “Bambol” Tolentino, Cavite 8th District at Villar. Lito Atienza, Buhay party-list.

Ang mga dating deputy speaker na hindi ginalaw ni Velasco dahil hindi naman maituturing na naglaro ang mga ito sa pulitika o kaya inarbor na lang kanilang partido nang mag-agawan sila ni Cayetano sa Speakership ay sina Ferdinand Hernandez, South Cotabato 2nd District; Evelina Escudero, Sorsogon 1st District; Loren Legarda, Antique; Conrad Estrella III, Abono; Prospero Pichay Jr, Surigao del Sur 1st District; Roberto Puno, Antipolo City 1st District; Eduardo Villanueva, Cibac; Michael “Mikee” Romero, 1-Pacman; Neptali Gonzales II, Mandaluyong; Rose Marie “Baby” Arenas, Pangasinan 3rd District; Rodante Marcoleta, Sagip; Henry Oaminal, Misamis Occidental 2nd District; Pablo John Garcia, Cebu 3rd District; Deogracias Victor Savellano, Ilocos Sur 1st District at Vilma Santos Recto, Batangas 6th District.

Hindi ko masisisi ang mga tao na magsasabi na nagbayad ng utang na loob si Velasco sa mga kongresista na nakipaglaban para siya ay maluklok sa speakership dahil kung hindi wala siyang dahilan para pagastusin ang mga tax payers sa pagdagdag ng mga posisyong ito na sa totoo lang ay wala namang silbi.

Kapag deputy speaker ka kasi, may karagdagang opisina ka,  karagdagang tauhan, mas malaki ang budget mo kumpara sa mga mambabatas na nagbubutas lang ng silya at lahat ng komite ­miyembro at puwede kang bumoto, isang pribilehiyo na wala sa mga ordinaryong mambabatas.

Pera ng bayan mula sa buwis na “direct at indirect” na ­kinokolekta sa mamamayang Filipino ang karagdagang gastos na ito kaya minsan naiisip ko, pinanawan na ba talaga ng hiya ang mga lider ng bansa?.

122

Related posts

Leave a Comment