SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang ipatupad ang tinaguriang “ladderized” program para sa health sector sa gitna ng kinakaharap na hamon ng bansa na may kinalaman sa patuloy na nababawasang medical workforce ng Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Marcos, nagustuhan niya ang nasabing programa na ipinresenta sa kanya sa isinagawang pulong sa Malakanyang ng mga miyembro ng Private Sector Advisory Council.
Sadya aniyang magagaling ang Pinoy health workers na hindi naman kayang pigilan sa kanilang pag-alis.
Bukod pa aniya sa kayang tapatan ang magandang oportunidad na alok sa kanila sa ibang bansa.
Kaya ang magagawa aniya ng gobyerno ay magpatupad ng strategy gaya ng panukalang ladderized program na bibigyan ang mga kinauukulan ng scholarship. (CHRISTIAN DALE)
234 